08/09/2025
Naniwala ka naman? Huwag basta-basta maniniwala sa iyong mga nakikita sa internet kahit pa man mukhang galing ito sa lehitimong source lalo na kung picture lamang ang iyong basehan.
Mainam na ๐ข-๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ muna ang iyong binabasa kung saan una ay alamin mo muna kung sino ang nagpost, at pangalawa ay maghanap ka ng ibang credible sources na sumasang-ayon nga sa iyong nakita. Pero noong panahon ng Martial Law, marami sa ating mga taumbayan ang naniwala sa mga akusasyon ng gobyerno laban sa ilang mga inosenteng mga indibidwal na estudyante at manggagawa dahil ang mismong Estado ang nag-post o nag-hatol sa kanila ng mga akusasyon na iyon.
Ngayong araw ng Septyembre 21, 2025, nagbibigay respeto tayo sa mga naging biktima ng Martial Law tulad ni - ๐๐๐๐๐ค๐ข โ๐๐๐ค๐ฌโ ๐๐๐ง๐๐, isa sa mga victim-survivor noong kasagsagan ng Palimbang Massacre. Sa edad na 14, dinakip si Madaki ng mga sundalo kasama ang kanyang ama at silang dalawa ay ipiniit sa Tacbil Mosque.
Sa kamay ng mga sundalo, nakaranas si Madaki ng matinding dusa at pang-aabuso. ๐๐ฎ๐ค๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐จ๐ , ๐ก๐ข๐ง๐๐ฆ๐ฉ๐๐ฌ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐ญ ๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐จ๐ค ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฐ๐๐ฒ๐๐ง, ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ฒ ๐ข๐ฌ๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ก๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ซ๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ง.
Isang gabi, isinilid na siya sa sako kung saan narinig niya ang banta ng isa sa mga sundalo: โ๐๐ข๐ต๐ข๐บ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข โ๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ข๐ด ๐ฅ๐ฐ๐ด๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ฃ๐ช ๐ข๐บ ๐ช๐ต๐ข๐ฑ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฅ๐ข๐จ๐ข๐ต.โ
Sa bingit ng kamatayan, naligtas si Madaki ng kanyang kakayahan na magsalita ng Ilocano. Nang marinig ng sundalo na binibigkas niya ang dialekto, doon lamang siya pinakawalan at nabigyan ng pagkakataon na makalaya.
Iilan lang ito sa maraming karanasan ng karahasan at harassment na pinalaganap ng mga tauhan ng estado na naganap noong panahon ng Martial Law. Huwag nating ulitin ang mga pag-kakamali noon. Maging alisto tayo sa mga naririnig at nababasa natin tungkol sa ating kapwa. ๐-๐
๐๐๐ญ ๐๐ก๐๐๐ค ๐ฆ๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐: ๐๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ญ๐จ? ๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐, ๐ญ๐๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข: ๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ-๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ฒ๐๐ซ๐ข ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ ๐๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฒ?
Sources:
11103 Film, Never Forget, available at: https://11103film.ph/never-forget/, (last accessed: Sep 5, 2025).
BusinessWorld Online, Bearing witness: #11,103, available at: https://www.bworldonline.com/opinion/2022/09/26/476693/bearing-witness-11103/, (last accessed: Sep 5, 2025).
Human Rights Violations Victimsโ Memorial Commission, Tacbil Mosque Palimbang Massacre A Reader, available at: https://drive.google.com/file/d/1L6UBkHk5Mx2didqrbjGJzVe9UuZfEMi-/view, (last accessed: Sep 5, 2025).