Panday Sining Makati

Panday Sining Makati Isang multi-disiplinaryong kolektibo ng mga artistang nag-aalay ng sining para sa pagpapalaya ng masa

๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐๐Ž๐Ž๐, ๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐๐€ ๐‘๐ˆ๐ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐โ‰๏ธDaang daang taon na ang lumipas sapagkat hindi pa rin nagbabago ang rehimeng nagpapak...
20/09/2026

๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐๐Ž๐Ž๐, ๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐๐€ ๐‘๐ˆ๐ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐โ‰๏ธ

Daang daang taon na ang lumipas sapagkat hindi pa rin nagbabago ang rehimeng nagpapakatuta sa banyaga at mapang-api sa sa sariling bayan. Ang galit ng taumbayan ay hindi mapapawi dahil ang kalsada ay ang munting paalala ng pandarahas at panunupil ng estado, ang lupa'y halos suklob ng inutang na dugo ng pasistang rehimen โ€“ mula sa kanayunan hanggang dito sa lansangan! Sa pagtaas ng presyo ng bilihin, ng langis, sa edukasyon, at sa hindi nakabubuhay na sahod โ€” Ang hirap na ating dinaranas ngayon ay hindi misteryo kundi maituturol sa kapabayaan ng pangulo na si Bongbong Marcos Jr.! Kabisado ng kasaysayan ang pandarambong at pasismo na ipinaranas ng ama ni Bongbong sa mamamayang Pilipino, na si Ferdinand Marcos Sr.

Artistang Makatizen, sumama sa pangmalawakang pagkilos! Makiisa sa laban ng bawat uri hanggat makamit ang tunay na Pambansang Demokrasya! Singilin ang inutang na dugo ng pasistang rehimen!

NEVER AGAIN. NEVER FORGET.

๐Ÿ—“๏ธ SEPTEMBER 21, 2026
๐Ÿ“ Liwasang Bonifacio
๐Ÿ•’ 3:00 PM

Sa mga nais sumama at makiisa sa protesta, mag-send lamang ng message sa aming page.


๐‘๐„๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐— ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐‚๐€ !!Nakiisa nitong Setyembre 11, 2026 ang Panday Sining Makati sa isinulong na Peoples Caravan sa Capas,...
12/09/2026

๐‘๐„๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐— ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐‚๐€ !!

Nakiisa nitong Setyembre 11, 2026 ang Panday Sining Makati sa isinulong na Peoples Caravan sa Capas, Tarlac upang ipaglaban ang karapatan ng mga mambubukid at ng katutubong Ayta at tutulan ang Pax Silica.

Ang tunay na pag-unlad ay hindi magdudulot ng pinsala sa magsasaka at katutubo, kundi dapat bigyang karangalan ang pambansang soberanya, karapatan sa lupa, at pamumuhay ng taumbayan.

ARTISTA NG MAKATI, MAKIISA AT SUMALI SA PANDAY SINING MAKATI!

PHILIPPINES IS NOT FOR SALE!
IMPERYALISMO, IBAGSAK!

๐€๐‹๐„๐‘๐“ | ๐๐€๐‹๐€๐˜๐€๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐‹๐„๐‚ ๐…๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐Ÿ“!Limang paralegal ang iligal na inaresto matapos ng kilos-protesta laban sa Pax Silica n...
10/09/2026

๐€๐‹๐„๐‘๐“ | ๐๐€๐‹๐€๐˜๐€๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐‹๐„๐‚ ๐…๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐Ÿ“!

Limang paralegal ang iligal na inaresto matapos ng kilos-protesta laban sa Pax Silica ngayong araw ng Setyembre 10, 2026. Itinataguyod ng Forum ang Luzon Economic Corridor at ang Pax Silica Hub, isang proyektong layong tugunan ang pangangailangan ng U.S. sa semiconductor at AI technology. Subalit, itoโ€™y nagbabadya ng sapilitang pagpapalayas sa libo-libong katutubo at magsasaka sa Tarlac, pati na rin ng matinding pinsala sa yamang mineral at suplay ng tubig ng bansa. Sa halip na tugunan ang panawagan ng masa, ipinagpapatuloy ng pangulo na si Marcos Jr. ang magpakatuta sa imperyalistang US sa pamamagitan ng pagbigay pabor sa Pax Silica.

Ayon sa ilang ulat, dinumog ng napakaraming pulis ang mga aktibista sa tapat ng Grand Hyatt Hotel. Sa mga kumakalat na bidyo, makikita kung paanong naging marahas at agresibo ang kapulisan โ€” nagresulta sa pagkagalos, pagkakadagan, at maging sa ilang iligal na pag-aresto sa mga lumahok sa protesta.

Maaring gamitin ang QR code at mag donate para sa pinansyal na tulong at pang piyansa sa hindi makatarungang pag-aresto sa mga paralegal. Hindi kalian pa man naging krimen ang pagboses at ipaglaban ang Karapatan ng sangkatauhan, ipaglaban ang lipang ninuno at makibaka! Tutulan ang Pax Silica!





๐…๐Ž๐—... ๐๐€๐— ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐‚...? ๐‘๐„๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐— ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐‚๐€!Naglungsad ang Panday Sining Makati ng "Kasarinlan Caravan" at nakilahok sa komun...
09/09/2026

๐…๐Ž๐—... ๐๐€๐— ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐‚...? ๐‘๐„๐‰๐„๐‚๐“ ๐๐€๐— ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐‚๐€!

Naglungsad ang Panday Sining Makati ng "Kasarinlan Caravan" at nakilahok sa komunidad ng Makati upang tutulan ang Pax Silica. Ginanap ang Caravan nitong September 8 sa komunidad ng Guadalupe Viejo, Guadalupe Nuevo, Poblaciรณn, at iba pang lokal na erya. Nagkaroon din ng pagtatanghal ang iba't ibang progresibong grupo upang mas maipalawak ang panawagang tutulan ang pagtatayo ng Pax Silica na ipinilit ng Imperyalistang US at tutang rehimen ni Marcos Jr.

Sa paglubog sa masang Makatizen, napapalaganap ang kaalaman upang hustong mauunawan ng masa ukol sa pananamantala na kinakaharap ng Pilipinas laban sa Pax Silica. Puspusang pinaliwanag ng kabataan ang mga hakbang na kailangang kunin upang mawakasan ang panganib sa kalikasan at katutubong aeta ng Pilipinas. Ang pakikibaka ay hindi nagtatapos lamang sa lansangan kundi sa paglubog sa masa.

NO TO PAX SILICA!
TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!
IMPERYALISMO IBAGSAK!

๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ!Ipaglaban ang tunay na pambansang industrialisasyon! Labanan ang anti-kalikasan, anti-katutubo,...
02/09/2026

๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ!

Ipaglaban ang tunay na pambansang industrialisasyon! Labanan ang anti-kalikasan, anti-katutubo, at anti-mamamayan na Pax Silica ng rehimeng US-Marcos Jr.!

Ngayong Setyembre, sasama ang mamamayan ng Makatizens sa caravan kontra Pax Silica. Mula Makati at iba't ibang mga lunsod ng Metro Manila, tutungo tayo sa Capas, Tarlac upang labanan ang imperyalistang panghihimasok ng US sa anyo ng mga pagawaan para sa kagamitan pangdigma.

๐—œ-๐—ฃ๐—  ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜€ ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ.

Para sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring ipaabot sa sumusunod na channel:
AB - UMak
0969-389-8618

ANO ANG PRESYO NG โ€œKAUNLARANโ€ KUNG SOBERANYA NATIN ANG KAPALIT?โ€Žโ€ŽSa ilalim ng Pax Silica, itinutulak ang kooperasyon sa ...
31/08/2026

ANO ANG PRESYO NG โ€œKAUNLARANโ€ KUNG SOBERANYA NATIN ANG KAPALIT?
โ€Ž
โ€ŽSa ilalim ng Pax Silica, itinutulak ang kooperasyon sa AI, semiconductors, at critical minerals. Pangako nila: trabaho at pag-unlad. Ngunit para sa mamamayan, nananatili ang tanongโ€”pag-unlad para kanino, at kapalit ng ano?
โ€Ž
โ€ŽMayaman ang Pilipinas sa nickel, copper, cobalt, at iba pang yamang mahalaga sa pandaigdigang teknolohiya. Sa halip na manatiling tagapagtustos ng hilaw na materyales para sa pandaigdigang industriya, dapat nating igiit ang industriyalisasyong nakasentro sa pangangailangan ng mamamayanโ€”hindi sa interes ng dayuhang kapital. Ang mismong mga plano sa ilalim ng Pax Silica ay nag-uugnay sa ating mineral resources sa teknolohiya at kapital mula sa mga dayuhang partner.
โ€Ž
โ€ŽHindi sapat ang pangakong โ€œdevelopmentโ€ kung ang desisyon sa ating yaman ay lalong nakatali sa interes ng makapangyarihang mga bansa. Hindi kalakal ang ating likas-yaman. Hindi puhunan ang ating soberanya. Hindi dapat ibenta ang kinabukasan ng mamamayan kapalit ng dayuhang interes.
โ€Ž
โ€ŽTUTULAN ANG PAX SILICA!
โ€ŽIPAGLABAN ANG PAMBANSANG SOBERANYA!
โ€ŽIPAGTANGGOL ANG ATING LIKAS-YAMAN!
โ€ŽISULONG ANG TUNAY AT MAKAMAMAYANG KAUNLARAN!
โ€Ž
โ€ŽPilipinas ay hindi para ibenta.
โ€ŽAng yaman ng bayan, para sa mamamayan!
โ€Ž
โ€Ž

28/08/2026

GUNITAIN AT ISABUHAY ANG MILITANTENG DIWA NG MGA ARTISTA NG BAYAN!

Sa darating na ika-17 ng Setyembre, sama-sama natin gunitain ang ika-62 na anibersaryo ng Panday Sining, ang natatanging kultural na pangmasang organisasyon ng kabataan na nakikibaka para sa pambansang demokrasya!

Iniimbitahan ng Panday Sining ang lahat na dumalo sa ilulungsad na Cultural Solidarity Night upang gunitain ang anibersaryo at sama-sama natin pag-aralan at balikan ang mga lumalalang krisis na panlipunan sa bansa. Sumama at labanan ang lumalalang pasismo ng estado na nagpapakatuta sa amo nitong U.S. sa pagpapapasok ng mga mapanirang proyekto tulad ng Pax Silica!

Abangan ang mga susunod na anunsyo patungkol sa mga detalye!

๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ ฬถ๐™Žฬถ๐™Šฬถ๐™†ฬถ ๐™†๐™„๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™ˆHabang lumulusong ang sangkatauhan sa bahang umaabot tuhod, ang mga naghaharing-uri at burukrata...
18/08/2026

๐™’๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ ฬถ๐™Žฬถ๐™Šฬถ๐™†ฬถ ๐™†๐™„๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™ˆ

Habang lumulusong ang sangkatauhan sa bahang umaabot tuhod, ang mga naghaharing-uri at burukrata kapitalista ay nananatiling komportable sa kanikanilang pribilehiyo. Patuloy namamasukan ang mga mag-aaaral at manggagawa sa kabila ng masamang panahon hangga't walang anunsyo ng suspensyon. Napapanganib ang kalusugan ng bawa't mamamayan sapagka't ito hindi nabibigyang pansin ng LGU.

Tunay nga ba na maunlad ang Makati? Makikita natin na ang tinutukoy na pag-unlad ng siyudad ay naninilbi lamang sa naghaharing-uri. Ang nahuhuling tugon ng ng LGU sa suspensyon ay nagpapakita kung nasaan ba talaga ang kanilang atensyon at kung may pakialam pa ba sila sa ordinaryong Makatizen.

Kung ang Makati ay tulad ng sinasabi nila na para sa atin, ang tunay pag-unlad ay hindi para lamang sa industriyalisasyon at paglalago ng negosyo, kundi sa pagbigay tuon sa kalagayan at paninilbi sa bawa't mamamayan. Mula sa makatwiran na pagpapasok, hanggang sa nakabubuhay na sahod.

Ang tanging solusyon sa pagbabago at pag-unlad ay sa pagsulong ng pambansang-demokratikong pakikibaka. Ito ay ang tugon ng masa sa bawa't suliranin dulot ng korapsyon at hindi pagkakapantay-pantay na umiiral sa bansa. Nauugat ito sa tatlong salot ng lipunan, ang Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata-Kapitalismo.

๐—œ๐—•๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—›๐—”๐—œ๐—ฅ ๐—”๐—ก๐—— ๐——๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—ข๐——๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—ฌ!Unang linggo pa lamang ng pagsimula ng a.y. 2026-2027 sa University of...
01/08/2026

๐—œ๐—•๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—›๐—”๐—œ๐—ฅ ๐—”๐—ก๐—— ๐——๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—ข๐——๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—ฌ!

Unang linggo pa lamang ng pagsimula ng a.y. 2026-2027 sa University of Makati ay sumalubong na agad ang pagharang sa mga estudyante at pagbigay ng citation slip o ticket sa kadahilanang may kulay ang kanilang buhok o sila ay nag-"crossdress" ng uniporme. Katakataka ang kaganapang ito para sa mga nakatanggap ng ticket dahil ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™ค nang maaga bago ang pasukan.

Bagaman maluwag ang polisiya noon, may kalabuan na ang pagpapatupad ng mga ito. May iilan na ring estudyanteng na-ticket-an kahit na uniporme na ang kanilang isinuot, hindi lang nila sinunod ang konserbatibong pagtakda ng lebel na panglalaki/pangbababae sa mga kasuotan. Ang iba namang gumagawa nito ay hindi naharang, depende sa guwardyang nakabantay.

Hanggang ngayong naghigpit sila, malabo pa rin kung anong suot o kulay ng buhok ang pasok sa standards ng polisiya. Mayroong pinapayagang pumasok na matingkad ang kulay ng buhok at may mga hinarang na halos hindi na makita ang kulay dahil may natural/subtle hair color sila na kung tutuusin ay hindi na dapat sinisiyasat nang lubos para lang masigurong walang kulay ang buhok ng estudyante.

Idagdag pa rito ang paghigpit sa haba ng buhok; may ilang estudyanteng lalaki at myembro ng LGBTQIA+ community ang matagal nang nakakapasok nang walang sumisita sa mahaba nilang buhok hanggang sa bigla na lamang silang pinagsabihan tungkol dito.

Makikita na kahit ang mga tagapagpatupad ng polisiya ay hindi rin kongkreto ang paraan ng pagpapatupad nila. Mas nakadaragdag ito sa hindi payapa at hindi makatarungang karanasan ng mga estudyante sa pamamtasang ito.

Hindi pa rito natatapos ang paghihigpit dahil may kasamang diskriminasyon ang pananaway ng CSFD office at ng mga guwardyaโ€”homophobic/transphobic remarks, at ilan pang panlalait ang natanggap ng mga estudyante. Kahit na hindi pa gamitan ng boses, masasamang tingin ng mga guwardya ang inaabot ng ilan pang mag-aaral. Ito ang mga dinanas mg mga Herons simula nang sila ay magbalik-eskwelaโ€”pamamasista.

Kasabay nito ang pagtapal sa karatulang "All Gender Restroom" at pinalitan ito ng "Female Restroom." Bagama't naibalik na ito sa dati, ang aksyong iyon ay hindi basta na lamang makakalimutan ng nakararami lalo na ang mga LGBTQIA+ members na nakikinabang sa banyong iyon. Bawat tao ay nararapat na magkaroon ng espasyo na para sa kanila, eksklusibong lugar kung saan malaya at komportable silang maging sarili nila.

Hindi na tama ang pamamalakad ng pamantasan sa kanilang mga polisiya; walang magandang naidudulot kundi tanggalan ng karapatan ang mga estudyanteng i-express ang sarili nila sa paraan na kanilang naisinโ€”ito ang nag-udyok sa mga Herons para mag-aklas upang ibaka ang mapaniil na polisiya ng unibersidad.

Sana'y ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ง๐ ๐ ๐š๐ง ng kinauukulan ang kanilang mga boses, bigyang ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ang mga biktima ng diskriminasyon, at ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง na para sa ikabubuti ng lahat.

Ang University of Makati ay kinikilala bilang "๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ"; sana ay maisakatuparan ang imaheng ito ng pamantasan at hindi lamang nagtatapos sa pangalan.

Ang tunay na University of Character ay nakasentro sa pagbibigay ng ๐๐ž๐ค๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ง๐š ๐ž๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง habang binibigyang laya ang mga mag-aaral na ๐ฆ๐š๐ -๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ ๐š๐ญ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ค๐ญ๐จ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข.

๐†๐€๐–๐ˆ๐๐† ๐Œ๐€๐๐€๐†๐๐€๐‹๐€๐˜๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐!

Pinararangalan at inihahandog ng Panday Sining Makati ang pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Carl, isang huwaran ng...
29/09/2024

Pinararangalan at inihahandog ng Panday Sining Makati ang pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Carl, isang huwaran ng dedikasyon at pag-asa na nagsilbi sa kilusang mapagpalaya bilang isang urban poor community organizer.

Bilang lider at tagapag-ugnay, si Carl ay tinitingala at minamahal ng masa sa Cembo at Macda. Sa Macda, siya ay naging kaagapay ng masang anakpawis, lalo na sa pamilya ni Ate Rita, na laging umaalala sa kanyang mga tulong at hatid na ligaya - nariyan siya tuwing Mother's Day at Valentine's Day, o kahit sa mga ordinaryong araw, nagdadala ng tulong pinansyal, laruan, at pagkain, tumutulong sa pagtitinda at nagtuturo sa mga bata. Kasama rin siya sa Konsultang Kabuhayan, kung saan ang kanyang malasakit ay nagbigay ng liwanag sa maraming pamilya.

Ang kanyang pagmamahal sa mga bata ay isa sa mga naging pundasyon ng Krayola PH, isang non-profit organization na nagtataguyod ng karapatan at dekalidad na edukasyon para sa mga bata sa mga urban poor communities. Tumulong din siyang manguna sa Alternative Learning System (ALS) para sa mga kabataan ng Macda at Cembo, na nagbigay ng pag-asa at oportunidad sa mga out-of-school youths.

Sa panahon ng jeepney strike, nariyan din si Carl sa mga terminal ng Guadalupe, katuwang sa pagluluto at pamamahagi ng pagkain sa ating mga minamahal na tsuper. Ibinahagi rin niya ang kanyang oras at talento sa mga talakayan, workshop, cultural performances at pop up booths ng Panday Sining Makati.

Sa mga kasama, kapamilya, at mga kaibigan, nakikiramay ang Panday Sining Makati. Sa kabila ng ating dalamhati, sama-sama nating ipagmalaki ang mga buhay na kanyang naantig bilang isang simbolo ng pag-asa at laban para sa mas makatarungang lipunan!

Mahal na mahal ka ng lahat.

Address

Makati

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Panday Sining Makati posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share