22/09/2026
๐
๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง: ๐๐ข๐๐ฅ๐๐ญ ๐๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค, ๐๐ง๐ ๐๐ข๐จ๐ง๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ก๐ฌ
Sa likod ng mga pelikulang sumasalamin sa kultura at identidad ng mga Pilipino, ay may mga filmmaker na gumagamit ng sariling paraan upang magkuwento at hamunin ang nakasanayang paraan ng paggawa ng pelikula.
Alam niyo ba? Si Eric Oteyza de Guia, na mas kilala bilang Kidlat Tahimik, ay isang kilalang pioneer ng Philippine independent cinema. Ang kaniyang pangalan na โKidlat Tahimikโ ay tumutukoy sa โquiet lightning,โ na iniuugnay sa kaniyang tahimik ngunit makapangyarihang paraan ng paggawa ng pelikula at sining.
Alam niyo rin ba? Ilan sa kaniyang mga kilalang obra ay ang Mababangong Bangungot (Perfumed Nightmare), Turumba, Who Invented the Yo-Yo? Who Invented the Moon Buggy?, BalikBayan #1: Memories of Overdevelopment Redux III, at Indio-Genius: 500 Taon ng Labanang Kultural. Sa kaniyang mga gawa, madalas niyang binibigyang-halaga ang kulturang Pilipino, katutubong kaalaman, at mga karanasang lokal habang tinatalakay ang epekto ng kolonyalismo at globalisasyon.
Dito makikita na ang pelikula ay hindi lamang tungkol sa kuwento sa harap ng camera. Maaari rin itong maging paraan upang maipakita ang ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng kaniyang natatanging estilo, ipinakita ni Kidlat Tahimik kung paano maaaring gamitin ang pelikula at sining upang magkuwento mula sa sariling pananaw.