08/04/2025
Sa araw na ito, Abril 9, ginugunita ang pagbagsak ng Bataan noong 1942 kung kailan nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ito rin ang hudyat sa simula ng Death March. Nagmartsa ang 76,000 sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinatayang 106 kilometro ang layo.
Dahil sa matinding hirap, gutom, at pagod na dinanas habang nasa daan, 54,000 lang ang pinalad na mabuhay.
Pero para sa mga eksperto sa kasaysayan, hindi lang umano ang pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang dapat gunitain sa araw na ito kundi pati ang kanilang giting na lumaban at ipagtanggol ang bayan.
Huwag nating kalimutan ang sakripisyong ginawa ng ating kapwa pilipino bagkus gawin natin itong insperasyon.
Aling pag-ibig pa kaya ang hihigit sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag ibig sa tinubuang lupa? - Andres Bonifacio