19/08/2026
Maitum Chapter, sinuri ang mga pinsala dulot ng lindol
Ni: Sheena Lopez
Mindanao Archdiocese
SARANGANI PROVINCE โ Sinuri ni Rev. Fr. Engr. Perfecto Laggui, punong inhinyero ng CDCCPI, kasama ang foreman ng simbahan, ang mga bahaging nagtamo ng bitak sa Maitum Chapter noong Agosto 6 bandang alas-11:20 ng umaga, bunsod ng lindol noong Hunyo 8, 2026.
Ayon kay Rev. Fr. Engr. Laggui, bahagya lamang ang mga nakitang bitak at walang dapat ikabahala sa kasalukuyan.
Gayunman, ipinayo niyang bakbakin ang mga ito at muling sementuhan upang maiwasan ang paglala ng pinsala.
Sa isinagawang inspeksyon, natukoy ang mga bitak sa loob ng gusali at sa bahagi ng korona nito. Sinuri rin ang semento ng korona at ang mga tile na kasalukuyang kinukumpuni.
Sinalubong si Rev. Fr. Engr. Laggui ng mga miyembro ng Crusado na gumabay sa kanya sa mga bahaging napinsala. Isinagawa ang naturang pagsusuri upang matiyak ang integridad ng estruktura at matukoy ang mga kinakailangang pagkukumpuni habang patuloy na nararanasan ang mga aftershock sa lugar.
Matapos ang gawain, nanatili muna ang grupo sa Maitum Chapter bago tumungo sa New La Union Chapter upang inspeksiyunin naman ang nagpapatuloy na konstruksiyon ng simbahan doon.