26/07/2026
π£π₯ππ¦π¦ π₯πππππ¦π
π‘π‘π: πππ’π§-πππ¬ππ‘π π£ππππππ‘ ππ§ π‘π¨π§π₯ππ¦π¬π’π‘ π πππ¨ππ¨ππ π¦π π¦ππππ¬ππ‘π ππππ’π¦ π‘π πππ'π§ ππππ‘π π¦πππ§π’π₯
23 July 2026
Nananawagan ang National Nutrition Council (NNC) para sa mas matatag na sistema ng pagkain, tuloy-tuloy na pagtutulungan ng ibaβt ibang sektor, at mga hakbang upang maprotektahan ang kakayahang bumili, upang matiyak na ang bawat pamilyang Pilipino ay may akses sa ligtas at masustansyang pagkain.
Ayon sa Food and Agriculture Organization ng United Nations, tumaas ng 25% ang gastos para sa masustansyang pagkain sa buong mundo mula 2021 hanggang 2024 (dating katumbas ay 195 pesos, naging 242). Sa Pilipinas, nananatiling malaking hamon ang pagiging abot-kaya ng masustansyang pagkain. Batay sa 2023 National Nutrition Survey na isinagawa ng Department of Science and Technology-Food and Research Institute, bumibili ng pagkain ang pamilyang Pilipino mula sa mga sari-sari store (73%), palengke o pampublikong pamilihan (58%), at talipapa (49%). Karaniwan ay limitado ang badyet ng pamilya para sa pagkain, na nagkakahalaga ng mula isang daan hanggang limang daang piso lamang kada pamimili.
"Apektado ang mga pamilya ng presyo ng pagkain. Hindi na lamang ito usapin ng gastusin kundi ng nutrisyon at kalusugan ng mamamayan, lalo na ng mga bata at iba pang bulnerableng sektor. Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasan ang seguridad sa pagkain,β ani Dr. Albert Domingo, Undersecretary of Health at Executive Director ng NNC.
Isinusulong ng NNC sa pamamagitan ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 ang mga programang makakatulong sa nutrisyon at seguridad sa pagkain. Binigyang-diin ng NNC ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga komunidad. Kabilang dito ang pagtataguyod ng mga school and community gardens, at kampanya tungo sa pagkonsumo ng mga lokal, masustansya at climate-resilient na pagkain tulad ng monggo, malunggay, itlog, sardinas at mga root crops.
Kaugnay ng pagdiriwang ng 2026 Nutrition Month na may temang, βNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!β, hinihikayat ng NNC ang lahat ng sektor na sama-samang magsagawa ng konkretong hakbang upang mas maging sapat, abot-kaya at masustansya ang pagkain para sa bawat pamilyang pilipino.
βSa pamamagitan ng pagtutulungan, maisusulong natin ang mga layunin ng PPAN at matitiyak na ang bawat Pilipino ay may akses sa sapat at masustansyang pagkain ngayon at sa hinaharap. Sapagkat sa PPAN: sama-sama tayo sa nutrisyong sapat para sa lahat," dagdag ni Usec. Domingo. # # #
RELEASING AUTHORITY:
Dr. Albert Domingo
Undersecretary of Health and Executive Director IV
National Nutrition Council
(c/o Dr. Emmanuel Jay D. Dimal
Nutrition Officer V and Chief
Nutrition Information and Education Division
[email protected])