Young Warriors

Young Warriors A faith-based youth organization called to evangelize the community, enlighten the congregation, equip the core, and enlarge the church.

May mga bagay na tahimik na pumupuno sa puso.Takot. Galit. Inggit. Pag-aalala. Pag-apruba ng tao.At habang lalo kang nap...
19/08/2026

May mga bagay na tahimik na pumupuno sa puso.

Takot. Galit. Inggit. Pag-aalala. Pag-apruba ng tao.

At habang lalo kang napupuno ng ingay ng mundo, lalo namang humihina ang pandinig mo sa tinig ng Diyos.

Hindi ka nilikha upang maging sisidlan ng pangamba, kundi tahanan ng Kanyang presensya.

Sapagkat kung ano ang pumupuno sa puso mo, iyon din ang umaagos sa buhay mo.

Kaya bago mo hilinging baguhin ng Diyos ang sitwasyon mo, hayaan mo muna Siyang baguhin ang puso mo.

Ano ba talaga ang pumupuno sa’yo?

17/08/2026
Truth be told, genuine peace doesn't come from knowing the answer but from knowing who God is.Hindi man natin palaging m...
14/08/2026

Truth be told, genuine peace doesn't come from knowing the answer but from knowing who God is.

Hindi man natin palaging maintindihan ang ating sitwasyon, hangga't hawak tayo ng Diyos, wala tayong dapat ipangamba. Most of the time, our situation doesn't require an answer, it only needs God.

At kung dumating ang panahon na marami kang mabuong "bakit?", "ano?", "saan?", at "kailan?", alalahanin mo ang "Sino?".

Laging nasa Kanya ang sagot.
Sa katunayan, Siya mismo ang sagot.

He doesn't always give an answer but one thing is for sure: He always offers Himself!

09/08/2026
08/08/2026

Hindi na kami makapaghintay na makasama ka sa
isa muling araw ng pagsamba at pasasalamat! 🙌

Parehong araw, oras, at lugar, pero siguradong may bagong pagkilos at pagpapala ang Panginoon na nakalaan para sa'yo!

Huwag mong palampasin ang linggong ito, kapatid! 🤗

08/08/2026

EVERYTHING IS SET!

All we need to do is to prepare our hearts and gather together tomorrow. A seat has been prayed over and it is waiting for you! 💌

Let's worship our living God, hear His Word, and encourage one another in fellowship.

See you tomorrow, church! 🤗

Sa totoo lang, maraming pagkakataong nakwestyon ko ang kagandahan ng Kaniyang mga plano habang nararanasan ang pangit na...
05/08/2026

Sa totoo lang, maraming pagkakataong nakwestyon ko ang kagandahan ng Kaniyang mga plano habang nararanasan ang pangit na sitwasyong kinalalagyan ko. Dumating pa nga ako sa puntong gusto ko ng lumihis ng daan habang nakatingin sa mahirap na hakbang na sinasabi Niyang lakaran ko.

Dahil, sino ba namang gugusto sa mga bagay na hindi sigurado? Sino ba namang maniniwala sa pag-ibig na hindi binibigay lahat ng gusto mo?

Pero ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hinayaan ng Panginoong madaanan ko itong masakit na proseso.

May mga pagkakataong palang hindi Niya hinuhubog ang daan sa paraang gusto ko dahil ang hinuhubog Niya pala ay ako.

Ako na mas handa sa pagtanggap ng katugunan ng aking mga panalangin, mas handa ring tanggapin ang susunod na hakbangin, at ako na puno ng aral at patotoo na ang pagkilala sa Panginoon ay nakabase hindi lang sa ganda ng Kaniyang pangako, kundi lalo na sa ganda ng Kaniyang proseso.

02/08/2026

Address

Magallanes
4113

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Young Warriors posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Young Warriors:

Shortcuts

Share