MSK Youth Candangal

MSK Youth Candangal We believe that meaningful relationships are where God can work to uncover His story of Hope in the life of a young person.

ANG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDESNoong Pebrero 11, 1858, si Bernardita Soubirous, anak ng isang maralitang tagabukid, ay na...
11/02/2025

ANG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES

Noong Pebrero 11, 1858, si Bernardita Soubirous, anak ng isang maralitang tagabukid, ay nagtungo sa parang ng Massabielle, malapit sa Lourdes, Pransiya, na kasama ng dalawa pang babae upang manguha ng kahoy na panggatong. Samantalang nangangahoy ang dalawa niyang kasama, si Bernardita ay naiwan malapit sa isang batong malaki. Walang anu-ano’y narinig niya ang ugong ng isang malakas na hangin. Tumingin siya sa isang yungib na bato at natambad sa kanyang paningin ang isang magandang babae! Ang kasuutan ng babae ay puti na may laso sa baywang; nakabelong puti rin at may hawak na rosaryo; sa kanyang mga paa ay makikita ang dalawang rosas na dilaw. Sa takot ni Bernardita, siya’y nagdasal ng rosaryo samantalang sumusunod din sa kanya ang babae. Iyon ang unang pagpapakita ni Maria sa Lourdes na sinundan pa ng labimpitong pangitain, na ang kahuli-hulihan ay naganap noong Hulyo 16, 1858. Nang itanong ni Bernardita kung sino siya, winika ng Birhen, “Ako ang Immaculada Concepcion!”. (Marso 25, 1858)

ARAL: Kinasangkapan ng Birhen ang isang walang-malay sa kasalanan upang ipahayag sa sangkatauhan ang kanyang hangaring magkaroon ng isang dambana sa Lourdes at upang manawagan sa mga tao na magbalik-loob sa Panginoong Diyos at gumawa ng pagpapakasakit sa kanilang mga pagkakasala sa Kanya.

Hango sa “TALAMBUHAY NG MGA SANTO” na isinulat ni RT. REV. MONS. JOSE C. ABRIOL, P.A. (1988)

MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES,
Ipanalangin mo kami.

HAPPY FIESTA OUR LADY OF LOURDES♡“A pretty young girl with a rosary on her arm. Her white robe was encircled by a blue g...
11/02/2024

HAPPY FIESTA OUR LADY OF LOURDES♡

“A pretty young girl with a rosary on her arm. Her white robe was encircled by a blue girdle. She wore a white veil, and there was a yellow rose on each foot. A rosary was in her hand.”

Address

Brgy. Candangal
Macalelon
4309

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSK Youth Candangal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share