13/12/2025
โ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ซ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐ข๐ง๐ข๐ , ๐ก๐๐ง๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ข, ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ.โ๐ซก
Mga Mabitaqueรฑo, malugod naming ipinakilala sa inyo ang ๐๐๐๐ญ๐จ๐ซ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐๐๐๐๐ซ ๐๐จ๐ซ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ng aming sa samahan, si ๐๐ ๐ . ๐๐๐ซ๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐ ๐๐๐ณ. Siya ay isang kabataang lider na maaasahan at mapagkakatiwalaan, gayundin ay patuloy na nagbibigay-buhay sa diwa ng pakikilahok at mahusay na pamumuno.๐๐ป
Kasalukuyang siyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Industrial Technology, major in Automotive Technology sa Laguna State Polytechnic University - Siniloan Campus. Isang patunay na hindi lamang sa paglilingkuran niya ipinapamalas ang kagalingang taglay. Tunay na kahanga-hanga ang kaniyang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral.
Bata pa lamang ay hinubog na ang sariling kakayahan pagdating sa paglilingkod. Nagsilbi siyang Pangulo ng Barangay Childrenโs Association taong 2018โ2022 at naihalal bilang Vice President ng Municipal Childrenโs Association (2019โ2022), kung saan ay unang nag alab ang kagustuhang maglingkod at magtaguyod ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan.๐ฉ
Sa kasalukuyan, siya ang SK Chairman ng Brgy. Lucong, Mabitac Laguna (2023-Present) isang posisyong kaniyang tinatanganan nang buong tapang at katapatan. Sa pamumuno niya, higit niyang pinalalakas ang boses ng kabataan upang maging aktibong bahagi ng mga gawaing pangkaunlaran.
Hindi lamang sa pamumuno makikita ang kaniyang galing. Isa rin siyang miyembro ng Banda 91 Mabitac, Laguna, kung saan ipinapahayag niya ang kanyang pagkahilig sa musika bilang saxophonist. At kamakailan, sa kahusayan at kumpiyansa niyang taglay nasungkit niya ang titulong Ginoong Turismo sa ginanap na Ginoo at Binibining Mabitac 2025, na naging daan upang itaguyod ang kulturang lokal at pagmamahal sa bayan.
Mula sa kaniyang mga nakamit, makikita na ang isang mahusay na lider ay marunong makinig, handang magsilbi, at bukas sa pagkakataong matuto. Tangan ang katapatan sa tungkulin, husay sa pakikipag-ugnayan at kababaang-loob upang maging tunay na lingkod-bayan.๐
At mula sa Hagdanan Steps of Service, lubos ang pasasalamat sa iyong hindi-matatawarang oras, pagsisikap, at pagtugon sa tawag ng paglilingkod. Katuwang mo kami pagpapatupad ng mga proyekto at adhikaing pambayan.๐งก
๐ www.hagdananstepsofservice.org