12/06/2026
Ngayong ika-128 taon ng ating kalayaan, patuloy nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino, mayamang kasaysayan, makulay na kultura, at sama-samang pangarap para sa isang mas maunlad, mapayapa, at makatarungang bayan.
Kasabay ng pagdiriwang na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat kay Mayor Colin sa mainit na pagtanggap at pagbibigay sa amin, mga Student Leader ng Magalong National Highschool, ng pagkakataong makiisa at maging bahagi ng paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong suporta at pagkilala sa mahalagang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at aktibong pakikilahok sa mga gawaing makabayan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at inspirasyon sa kabataan. Mabuhay ang Pilipinas!๐ต๐ญโจ
MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN, PILIPINAS!
๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ