25/07/2026
TINGNAN!!
NO MORE SANA ALL! Sa pangunguna ni SK Chairperson Hanna Cyniel M. Gonda, kasama ang iba pang SK Officials, matagumpay muli na naisagawa nuong June 2026 ang pamamahagi ng Educational Assistance sa mga kwalipikadong iskolar sa ilalim ng SK Sto. Niño Educational Assistance Program 2026. Makikita sa mga larawan ang iba pang naging kaganapan sa isinagawang pagtitipon.
Ipinababatid namin ang walang hanggang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng programang ito. Binabati namin ang lahat ng nakatanggap ng tulong pinansyal na ito at nawa’y magamit sa tama at makabuluhang bagay na makakatulong sa pag-aaral ninyo. God bless us all!
SK Sto. Niño, Sa Pag-asa’t Pangarap, Sama-Sama Tayo!💛💛