14/01/2025
💪💪💪
HUWAG TAYONG MAGPALINLANG. LALO PO TAYONG MAGKAISA!
May kumakalat ngayon na FAKE NEWS na sinasabing nagwithdraw na ako bilang kandidato ng pagka Gobernador dahil binigyan ako ng posisyon ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang Secretary ng Presidential Communications Office.
Mga Kabaleyan, wala pong katotohanan ito. Hindi po ako umaatras sa aking pagtakbo bilang Gobernador ng Pangasinan.
Isa itong panlilinlang para mahinto ang pagbuhos ng suporta sa aking kandidatura.
Maging mapanuri po tayo mga kabaleyan at kailyan. Habang papalapit ang eleksyon, asahan ninyong maglalabasan pa ang mga ganitong FAKE NEWS gamit ang mga makabagong teknolohiya lalo na sa social media.
Sinabi rin sa naturang FAKE NEWS na nag withdraw na rin si Vice Governor aspirant Noel Nacar at Congressional aspirant for the 5th District Franco Del Prado.
Huwag po tayo magpapaloko, o magpapalinlang. Bagkus, lalo pa po tayong magkaisa sa iisang layunin: IBALIK ANG SIGLA AT DANGAL NG PANGASINAN.
Maraming salamat po sa inyo suporta!
Nagmamahal,
AMADO “POGI” I. ESPINO III