Tune Anak ning Mabalacat

Tune Anak ning Mabalacat Tune Anak ning Mabalacat City is a community page in the service of the People of Mabalacat. Coming Soon

02/06/2026

Nagbigay ng quarterly financial assistance si Mabalacat City Vice Mayor Jun Castro sa mga piling mag-aaral ng Brgy. Atlu-Bola, Mabalacat City. Kasama niya sa pamamahagi sina Councilor Benny Jocson at Councilor Patricia Acorda bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa komunidad.

Nagpaabot ng agarang tulong si Mabalacat City Mayor Atty. Geld Aquino sa pamilya ng security guard na kabilang sa mga na...
01/06/2026

Nagpaabot ng agarang tulong si Mabalacat City Mayor Atty. Geld Aquino sa pamilya ng security guard na kabilang sa mga na-trap sa gumuhong under-construction na gusali sa Brgy. Balibago, Angeles City.
Tiniyak ng alkalde ang kanyang suporta at pakikiisa sa pamilya habang nagpapatuloy ang paghahanap at rescue operations para sa kanilang mahal sa buhay. πŸ™πŸ’™

31/05/2026

πŸ—οΈ Contractors may pinakamalaking responsibilidad sa structural integrity ng mga gusali - ayon sa mga experto.

Ayon kay Choi Cruz, DOLE Occupational Safety and Health Consultant, ang contractors ang may pinakamalaking papel sa pagpapatupad ng construction plans at pagtiyak na maayos ang kalidad ng isang istruktura.

Sinabi ni Cruz na bagama’t may mahalagang papel din ang architects at engineers sa disenyo at safety standards ng proyekto, ang contractor ang pangunahing responsable sa tamang paggamit ng materyales, kalidad ng pagkakagawa, workforce management, site safety, at pagsunod sa Building Code at labor safety rules.

Dagdag pa niya, karaniwang hindi mananagot ang property owner sa structural integrity ng proyekto maliban kung may direktang utos itong makakaapekto sa kaligtasan o tibay ng gusali.

Samantala, sinabi naman ni Architect Josua Cruz na parehong may responsibilidad ang design at ex*****on, ngunit ang pagtiyak sa kalidad ng materyales at construction work ay pangunahing tungkulin ng contractor at project management team.

Lumabas ang mga pahayag kasunod ng pagbagsak ng isang gusali sa Barangay Balibago, Angeles City noong May 24 na ikinasawi ng anim na katao. Patuloy pa rin ang search, rescue, retrieval, at clearing operations sa lugar hanggang May 30.

Kinilala ang Golden Years Construction and Steelworks bilang contractor ng proyekto at si Ernest Jackson Lim bilang property owner. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kinauukulang national at local government agencies sa insidente.

30/05/2026

🚨 LUNGSOD NG ANGELES, BUMUO NG TASK FORCE PARA ALAMIN ANG TOTOO SA PAGGUHO NG GUSALI SA BALIBAGO

Hindi titigil hangga't hindi nalalaman ang buong katotohanan.

Nilagdaan ni Angeles City Mayor Carmelo β€œJon” Lazatin II ang Executive Order No. 026, Series of 2026 na lumilikha sa Angeles City Fact-Finding and Investigation Task Force upang magsagawa ng malalim at komprehensibong imbestigasyon sa pagguho ng isang under-construction building sa Brgy. Balibago noong Mayo 24, 2026.

Inatasan ang task force na tukuyin ang eksaktong sanhi ng pagguho, alamin kung nasunod ang lahat ng building at safety regulations, suriin ang mga permit at construction documents, at tukuyin ang lahat ng indibidwal, kontratista, may-ari, o iba pang entidad na maaaring may pananagutan sa trahedya.

Ayon sa kautusan, magsusumite ang task force ng paunang ulat sa loob ng 15 araw at kumpletong ulat sa loob ng 60 araw, na magsisilbing batayan sa mga posibleng legal, administrative, civil, at criminal actions laban sa sinumang mapatutunayang may pagkukulang o pananagutan.

πŸ“Œ Sa isinagawang press conference, naroon sina Mayor Jon Lazatin, Special Legal Adviser and Spokesperson on Legal Matters Atty. Darwin Reyes, City Administrator Noel Luzung, Atty. Nicolai Manguerra para sa contractor, Atty. Willie Rivera para sa owner, at BFP Central Luzon PIO Fire Supt. Ma. Leah Sajili upang magbigay ng mga update kaugnay ng patuloy na imbestigasyon.

Habang nagpapatuloy ang rescue, retrieval, at investigation efforts, nananatiling pangunahing tanong ng publiko: Ano ang naging sanhi ng pagguho, sino ang nagkulang, at sino ang mananagot?

Ang mga pamilya ng mga biktima at ang buong komunidad ay naghihintay ng malinaw na mga sagot. Ang layunin ng imbestigasyon ay hindi lamang alamin kung ano ang nangyari, kundi tiyaking may pananagutan ang lahat ng dapat managot at makapaglatag ng mas mahigpit na mga hakbang upang hindi na maulit ang ganitong trahedya.

29/05/2026
Mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kaya para sa maraming pasahero. Deserve ng TNVS riders ang malinaw at patas na ...
29/05/2026

Mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kaya para sa maraming pasahero. Deserve ng TNVS riders ang malinaw at patas na sistema

Layunin ng bagong alyansa na maisulong ang pagkilala sa MC Taxi bilang lehitimong transportasyon sa Angeles City, Mabalacat City, at iba pang lugar sa lalawigan.

Kabilang sa mga bumubuo nito ang iba't ibang rider groups gaya ng Alpha Riders Group of Supreme Wolves, Ika Mu Pampanga Riders, San Fernando Troops Riders Pampanga, Freelance Angkas Delivery Riders Pampanga, MODA Riders Group, Coalition of MC Taxi Pampanga, Legendary Riders Group, MTO Riders Club, at CK Boys.

"Ang MC Taxi ay bahagi ng transport solution, hindi problema. Ang kailangan ay malinaw na patakaran, maayos na koordinasyon, at patas na sistema para sa riders, pasahero, at lokal na pamahalaan," ayon kay Robby Lacson, Founder ng Ika Mu Pampanga Riders.

Ayon sa TNVS Alliance, libu-libong riders at kanilang mga pamilya ang umaasa sa motorcycle taxi at TNVS operations bilang pangunahing kabuhayan. Nanawagan din sila sa mga opisyal ng Angeles City, Mabalacat City, at iba pang LGUs sa Pampanga na magkaroon ng bukas na dayalogo upang makabuo ng ligtas, organisado, at makatarungang transport system para sa lahat.

29/05/2026

β˜• Mukhang masarap ang coffee at silog nila ah! Mapuntahan nga this weekend. πŸ˜‹

πŸ’ͺ Isa-isang nalilinis ang kalsada ng Pampanga. Tuloy-tuloy lang ang laban para sa mas ligtas na komunidad
29/05/2026

πŸ’ͺ Isa-isang nalilinis ang kalsada ng Pampanga. Tuloy-tuloy lang ang laban para sa mas ligtas na komunidad

πŸš” 10 Suspek, Arestado sa Pampanga; Mahigit β‚±218K Halaga ng Shabu at 2 Baril, Nasamsam

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Eugene M. Marcelo, matagumpay na naaresto ng Pampanga PPO ang 9 drug suspects sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Mabalacat City, Porac, San Fernando City, Candaba, Guagua, at Sta. Ana noong May 27, 2026.

Nasamsam sa operasyon ang 32.18 gramo ng shabu na may halagang β‚±218,824, kasama ang isang .22 caliber pistol. Samantala, sa pagpapatupad ng search warrant ng San Fernando CPS, naaresto rin ang isang suspek at nakumpiska ang isang 9mm Bernardelli pistol, mga magazine, at live ammunition.

Ayon kay PCOL Marcelo, patuloy ang mahigpit na kampanya ng Pampanga police laban sa ilegal na droga at mga loose fi****ms upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga Kapampangan. (Source: PNP Pampanga Police Provincial Office)

Fuel subsidy para sa mga TODA members sa Mabalacat City, ipinamahagi ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Atty. Geld Aqui...
28/05/2026

Fuel subsidy para sa mga TODA members sa Mabalacat City, ipinamahagi ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Atty. Geld Aquino katuwang ang CSWDO sa pamumuno ni Ms. Josephine Tanglao.
Tumanggap ng tig-β‚±5,000 fuel subsidy ang 2,046 TODA members bilang tulong sa kanilang araw-araw na pamamasada sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina.
Nagpasalamat naman ang mga tricycle drivers sa suportang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan para sa kanilang kabuhayan.
Kasama rin sa distribution sina Board Member Christian Halili at dating Mayor Marino Morales.



26/05/2026

Colanzo Brunch & Bistro at Cityfront Mall brings a fresh brunch experience with global flavors, cozy interiors, and must-try comfort food β€” the perfect spot for casual brunch dates and coffee catch-ups in Clark.

Address

Mabalacat
2010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tune Anak ning Mabalacat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tune Anak ning Mabalacat:

Share