27/03/2026
📢 ANUNSYO
Ipinababatid ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Rimos 5 sa lahat ng mamamayan na ang nakatakdang Summer Basketball League 2026 ay kanselado, alinsunod sa ipinatupad na deklarasyon ng State of National Energy Emergency.
Ang desisyong ito ay hindi naging madali, ngunit kinakailangan upang higit na mapangalagaan ang kapakanan, kaligtasan, at pangunahing pangangailangan ng ating komunidad sa kasalukuyang sitwasyon.
Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong pag-unawa at patuloy na pakikiisa. Umaasa po kami sa inyong suporta sa mga susunod pang programa at aktibidad ng ating barangay sa mas angkop na panahon.
Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat.
🏀Wait for further announcement
— Sangguniang Kabataan, Brgy. Rimos 5