14/05/2026
MAGANDANG ARAW PO!
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, inaanyayahan po ang lahat ng magulang at mag-aaral na makiisa sa ating Oplan Balik Eskwela. Layunin nito na matiyak ang maayos, ligtas, at handang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.
Inaabisuhan din po ang lahat na makipag-ugnayan sa paaralan para sa mga katanungan ukol sa enrolment, schedule, at iba pang mahahalagang impormasyon.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta. Sama-sama po nating ihanda ang matagumpay na pagbubukas ng klase!