07/08/2026
Episode 10| Buwan ng Wika 2026
Gaano nga ba tayo kahusay sa Wikang Filipino?
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," naghanda ang Marian Honor Society ng mga katanungan, kung saan sinagot ng ating mga kapwa Mariano ang iba't ibang tanong tungkol sa wastong gamit ng wikang Filipino.
Sa bawat tanong ay hindi lamang nasubok ang kanilang kaalaman, kundi nagkaroon din ng pagkakataong matuto at mas maunawaan ang tamang paggamit ng ating sariling wika. Patunay na sa panahon ng AI, nananatiling mahalaga ang malalim na pag-unawa sa Wikang Filipino bilang gabay sa responsableng pananaliksik at mabisang komunikasyon.
Patuloy nating mahalin, gamitin, at pagyamanin ang ating sariling wika. Sapagkat ang Wikang Filipino ay hindi lamang bahagi ng ating pagkakakilanlan, ito rin ay tulay sa kaalaman at pagkakaisa. π΅π
Video & Caption| Krystel Veran