Young Adult Apostolate Ministry - St. Ferdinand Cathedral

Young Adult Apostolate Ministry - St. Ferdinand Cathedral Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Young Adult Apostolate Ministry - St. Ferdinand Cathedral, Nonprofit Organization, Saint Ferdinand Cathedral Parish, WJP6+9WP, Lucena.

17/08/2026

PAGBASA
Agosto 18, 2026
Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 28, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon: “Tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ito ang ipinasasabi ko sa kanila: Sa iyong kapalaluan ay sinabi mong isa kang diyos. Nakaluklok kang parang diyos sa gitna ng karagatan bagamat ang totoo’y hindi ka diyos kundi tao lamang. Pinipilit mong abutin ang isipan ng isang diyos. Akala mo’y matalino ka pa kay Daniel. Akala mo’y alam mo ang lahat ng bagay kahit pa anong lihim. Sa dunong mo’t kaalaman ay nagkamal ka at nakapagbunton ng pilak at ginto. Sa iyo ngang nalalaman sa larangan ng kalakal, patuloy na lumaki ang iyong kayamanan. Dahil dito, naging palalo ka. Kaya naman ito ang ipinasasabi ng Diyos na Panginoon: Pagkat pilit mong ipinapantay sa Diyos ang sarili, ipalulusob kita sa pinakamalupit na kaaway sa daigdig. Wawasakin nila ang lahat ng ari-arian mo na pawang kinamtan sa tusong pamamaraan. Ihuhulog ka niya sa lalim na walang hanggan, papatayi’t ihahagis sa pusod ng dagat. Sa harap kaya ng mga papatay sa iyo ay masabi mo pang ikaw ay diyos? Noon mo malalamang ikaw pala ay tao lamang at may kamatayan. Parang a*o kang papatayin ng mga dayuhan. Akong Panginoon ang may sabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Deuteronomio 32, 26-27ab. 27kd-28. 30. 35kd-36ab

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Ipinasya ko nang sila’y lipulin
at pawiin sa alaala ng madla.
Ngunit di ko tutulutan ang kanilang kaaway
ay maghambog at sabihing:

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

“Kami ang lumupig sa kanila,
at hindi ang Diyos nila.
Mahina ang pang-unawa ng Israel
at sila’y maituturing na bansang mangmang.”

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Paanong ang sanlibo ay matutugis ng isang tao
at mapipigilan ng dalawa ang sampunlibo?
Sila’y pinabayaan ng Diyos na P**n,
itinakwil na sila ng kanilang dakilang Diyos.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

Darating ang araw ng aking paniningil at paghihiganti,
hanggang sa sila’y humapay at mabuwal
pagkat ang wakas nila ay malapit na.
Ililigtas ng P**n ang kanyang bayan
siya’y mahahabag sa mga maglilingkod sa Kanya.

Nasa pasya ng Maykapal
ang buhay at kamatayan.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 23-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila. “Kung gayun, sino po ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

16/08/2026

Ang imahen ng Our Lady of Remedies na mula sa Kamay ni Hesus ay dadalaw sa Parokya ng Katedral ni San Fernando sa ika-20 ng Agosto (Huwebes) sa ganap na ika-4 ng hapon, susundan ito ng Banal na Misa. Inaanyayahan at inaasahan ang lahat na sa ganap na ika-3:30 ng hapon ay nasa katedral na tayo para sa gawain. Salamat po!

Dagdag Kaalamanan Pyc Lucena-Cathedral*Ang Pitong Handog ng Espirito Santo*Ang Pitong Kaloob ng Espiritu Santo (Seven Gi...
15/08/2026

Dagdag Kaalamanan Pyc Lucena-Cathedral

*Ang Pitong Handog ng Espirito Santo*

Ang Pitong Kaloob ng Espiritu Santo (Seven Gifts of the Holy Spirit) ay ang Karunungan (Wisdom), Pagkaunawa (Understanding), Hatol o Payo (Counsel), Katatagan (Fortitude), Kaalaman (Knowledge), Kabanalan (Piety), at Pagkatakot sa Diyos (Fear of the Lord).

Ang Pitong Kaloob:

Karunungan (Wisdom): Kakayahang makita ang mga bagay mula sa pananaw ng Diyos.

Pagkaunawa (Understanding): Lintaw na pag-unawa sa mga katotohanan ng pananampalataya.

Hatol o Payo (Counsel): Paggabay sa pagpili ng mabuti at matuwid na landas.

Katatagan (Fortitude): Lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok.

Kaalaman (Knowledge): Pagkilala sa kalooban ng Diyos at sa ating kahinaan.

Kabanalan (Piety): Malalim na pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Pagkatakot sa Diyos (Fear of the Lord): Paggalang at takot na saktan ang Diyos dahil sa pag-ibig.



Dagdagan kaalamanan Pyc Lucena-CathedralJuly 29 2026-Pinagdiwang at ginunita ang Kapistahan nina San Lazaro, Santa Marth...
15/08/2026

Dagdagan kaalamanan Pyc Lucena-Cathedral

July 29 2026-Pinagdiwang at ginunita ang Kapistahan nina San Lazaro, Santa Martha at Santa Maria ng Betania.

Ang tatlong magkakapatid ay ang malalapit na kaibigan ni Hesus.



Dagdag kaalamanan Pyc Lucena-CathedralSi Alfredo María Obviar y Aranda (1889–1978) ay ang unang Obispo ng Lucena at ang ...
15/08/2026

Dagdag kaalamanan Pyc Lucena-Cathedral

Si Alfredo María Obviar y Aranda (1889–1978) ay ang unang Obispo ng Lucena at ang nagtatag ng Missionary Catechists of Saint Thérèse of the Infant Jesus (MCST). Siya ay idineklarang Venerable (Kagalang-galang) ng Simbahang Katolika noong 2018 sa proseso ng kanyang beatipikasyon.

Happening now…Catechesis Liturgical Ministries at Sentro Pastoral.Layunin ng Young Adult Apostolate Ministry na  maging ...
15/08/2026

Happening now…

Catechesis Liturgical Ministries at Sentro Pastoral.

Layunin ng Young Adult Apostolate Ministry na maging ganap na Tagapaglingkod ng Simbahan at turuan ang bawat isa na linangin ang kakayanan para makatulong sa simbahan sa pamamagitan ng pagpapalalim ng kaalaman sa mga gawain at Misyon bilang bahagi ng Liturgical Ministries

14/08/2026

Congratulations, Fathers, on the successful completion of the Five-Day Annual Retreat of the Clergy of the Diocese of Lucena!

Your steadfast faith, wisdom, and dedication continue to inspire and strengthen our community. Thank you for your unwavering service and commitment to your mission.

May God continue to bless, guide, and strengthen you as you faithfully serve Him and His people.

Mga katanungan na maaring lumabas sa ating mga palaro….1. Kilala mo ba mga Paring naglilingkod sa ating Parokya?2. Alam ...
12/08/2026

Mga katanungan na maaring lumabas sa ating mga palaro….

1. Kilala mo ba mga Paring naglilingkod sa ating Parokya?
2. Alam mo ba ang mga pangalan ng mga karatig Parokya ng ating simbahan?
3. Kilala mo din kaya ang Diocesan Director ng YAAM at Ng LDYC/M?
4. Kilala mo ba ang “bffs” o pinakamalapit na mga kaibigan ni Jesus Christ?
5. Pamilyar ka ba sa Adoracion Nocturna Filipina?

Sama sama natin alamin, Akitin ang yung mga Kapatid sa Ministeryo at magkaisa na matuto at pag aralan ang mga bagay na napapaloob sa ating Simbahan at sa ating pananampalataya…

Higit na kasiyahan ang mararamdam sa Paglalaro sa Ika 29 ng Agosto bitbit ang dagdag kaalamanan kasama ang ating mga kapatid at kaibigan sa Ministeryo.











Ang Pagtatanod sa Banal na sakramento ay isa sa mga gawain ng kabataan noon hanggang ngayon na dapat palawakin upang mak...
10/08/2026

Ang Pagtatanod sa Banal na sakramento ay isa sa mga gawain ng kabataan noon hanggang ngayon na dapat palawakin upang makatulong sa pagpapalalim ng panampalataya ng isang Indibidwal.

Bilang Young Adult tungkulin nating gabayan at ituro sa mga kabataan ang mga gawaing pang Parokya gaya ng pagtatanod at ipamulat sa kanila ang kahalagahan ng gawain na gaya nito para sa mga kapwa kabataan, Sa Young Adults at kay Kristong ating Panginoon..

Address

Saint Ferdinand Cathedral Parish, WJP6+9WP
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Young Adult Apostolate Ministry - St. Ferdinand Cathedral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share