Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam

Directions Contact the organization

Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† πŠπ€ππ€π“π€π€π 𝐍𝐆 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πˆπ‹π€π˜π€ππ† πˆπ˜π€πŒ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ 𝐏𝐀𝐆𝐄

πŸŽ‰ PASASALAMAT AT SUPORTA PARA SA REYNANAY 2026! πŸ‘‘β€οΈAng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam, sa pangunguna ni S...
31/08/2026

πŸŽ‰ PASASALAMAT AT SUPORTA PARA SA REYNANAY 2026! πŸ‘‘β€οΈ

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam, sa pangunguna ni SK Chairperson Hon. Erika Mae F. Ibarrola, ay buong pusong nagpapasalamat sa Kaisa Kilos Association, sa pangunguna ng kanilang President na si Mrs. Jessa Ibarrola-Figuerra, para sa matagumpay na pagdaraos ng 1st Barangay Ilayang Iyam ReyNanay 2026.

Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng bumuo, dumalo, sumuporta, at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito para sa ating mga nanay at buong komunidad.

Special thanks to one of the major sponsors of the event, SK Member Hon. Niomie B. Malabanan, for her generous support and commitment to making this event possible.

Maraming salamat din kay Hon. Mikko Palomado, Pageant Director of ReyNanay 2026, sa kanyang oras, effort, at dedikasyon upang maisakatuparan ang matagumpay na programa.

Patuloy ang pangako ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam na suportahan ang mga community events at initiatives na may makabuluhang epekto, nagbubuklod sa ating komunidad, at nagbibigay ng pakinabang at oportunidad para sa lahat.

Mabuhay ang mga Nanay! Mabuhay ang Barangay Ilayang Iyam!





CONGRATULATIONS, CHAMPIONS! πŸ†The Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam proudly congratulates Niovie B. Malabanan...
31/08/2026

CONGRATULATIONS, CHAMPIONS! πŸ†

The Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam proudly congratulates Niovie B. Malabanan and Renz Ezekiel Ramos for their outstanding achievements at the PDSFI 2nd Luzon Leg Grand Slam – South Luzon Open Dancesport Competition!

πŸ₯‡ 1st Place – Youth A Latin
πŸ₯‡ 1st Place – Inter High School Latin
πŸ₯ˆ 2nd Place – Under 21 Standard

Your dedication, passion, and hard work truly brought pride and honor to Barangay Ilayang Iyam. We are incredibly proud of you!

May you continue to dance with passion, strive for excellence, and inspire the youth of our community. To God be the highest glory!

We are so proud of you! πŸ†πŸ‘

β€” Sangguniang Kabataan Family of Barangay Ilayang Iyam



HAPPY BIRTHDAY, KAP ROMY! πŸŽ‰πŸŽ‚The Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam extends its warmest birthday greetings to ...
24/08/2026

HAPPY BIRTHDAY, KAP ROMY! πŸŽ‰πŸŽ‚

The Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam extends its warmest birthday greetings to you, Kap Romy! πŸ₯³

May your special day be filled with happiness, good health, love, and countless blessings. Thank you for your continued service, support, and dedication to our community. May you continue to inspire and lead with a heart for the people.

Wishing you a wonderful birthday and many more blessed years ahead!


LINGGO NG KABATAAN 2026 | LINIS PAMAYANAN 🧹🌿LOOK | As part of the Linggo ng Kabataan 2026 celebration, isinagawa ng Sang...
23/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026 | LINIS PAMAYANAN 🧹🌿

LOOK | As part of the Linggo ng Kabataan 2026 celebration, isinagawa ng Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam ang final activity nito, ang β€œLinis Pamayanan: Clean-Up Drive,” ngayong August 22, 2026.

Nagsimula ang clean-up drive sa Daleon Street β†’ Maharlika Highway β†’ Herta Road β†’ Bicol Block, kung saan sama-samang kumilos ang ating mga kabataan para mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating community.

Naging mas meaningful at successful ang activity dahil sa pakikiisa ng Official Candidates ng 1st Barangay Ilayang Iyam ReyNanay 2026, kasama ang President at mga miyembro ng Kaisa-Kilos Association, pati na rin ang Head at mga youth members ng TARA Kabataan – Barangay Ilayang Iyam. Maraming salamat sa inyong oras, effort, at willingness na makiisa para sa ating barangay!

We would also like to extend our heartfelt thanks to DLL ICES – Barangay Ilayang Iyam, headed by Mr. Jerwin Ramilo and Mr. Patrick Casing, sa kanilang support at pakikiisa upang maging possible ang activity na ito.

Special thanks din kay SK Member Hon. Niomie Malabanan for sponsoring pandesal at bottled water para sa ating mga participants.

Samantala, SK Chairperson Hon. Erika Mae F. Ibarrola extends her heartfelt appreciation sa lahat ng youth volunteers na naglaan ng kanilang oras, effort, at energy upang maging matagumpay ang ating final activity.

Sa pagtatapos ng Linggo ng Kabataan 2026, muli nating pinatunayan na kapag nagkakaisa ang kabataan, may tunay na pagbabago sa komunidad.

Kabataan, sama-sama sa pagkilos. Sama-sama para sa mas malinis at mas magandang Barangay Ilayang Iyam! πŸ‡΅πŸ‡­




🌱 LINIS PAMAYANAN 2026 🌱Sama-sama nating linisin at alagaan ang ating barangay! Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Ba...
15/08/2026

🌱 LINIS PAMAYANAN 2026 🌱

Sama-sama nating linisin at alagaan ang ating barangay!

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan ng Barangay Ilayang Iyam na makiisa sa ating LINIS PAMAYANAN 2026 bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan 2026!

πŸ“… AUGUST 22, 2026 | 6:00 AM
πŸ“ Daleon St. cor. Bicol Block St., Barangay Ilayang Iyam

Munting ambag, malaking pagbabago!
Bawat kabataan, may bahagi sa malinis, maayos, at ligtas na pamayanan.

Tara na, kabataan! Maglinis. Makilahok. Magmalasakit.

HAPPY INTERNATIONAL YOUTH DAY! πŸŒπŸ’™Ngayong August 12, ipinagdiriwang natin ang International Youth Dayβ€”isang makabuluhang ...
12/08/2026

HAPPY INTERNATIONAL YOUTH DAY! πŸŒπŸ’™

Ngayong August 12, ipinagdiriwang natin ang International Youth Dayβ€”isang makabuluhang paalala na ang kabataan ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas maunlad at mas makabuluhang kinabukasan.

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam ay patuloy na nagsisilbi, nakikinig, at lumilikha ng mga programa at oportunidad na nagbibigay-daan sa bawat kabataan na makilahok, matuto, mamuno, at makapag-ambag sa ating komunidad.

Sa bawat boses, talento, ideya, at pagkilos, ipinapakita natin na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayanβ€”tayo rin ay bahagi ng pagbabago ngayon.

Mabuhay ang kabataan ng Barangay Ilayang Iyam!
Happy International Youth Day!


ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ | π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π πŸπŸŽπŸπŸ” πŸ’™Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam ay lubos na nagpapasalamat sa l...
12/08/2026

ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“ | π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π πŸπŸŽπŸπŸ” πŸ’™

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng kabataang patuloy na nagpapakita ng kahandaan, suporta, at aktibong pakikilahok sa bawat programa, proyekto, at aktibidad ng ating Konseho.

Ang inyong presensya at pakikiisa ang nagsisilbing inspirasyon sa amin upang patuloy na maglingkod at lumikha ng mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan at mithiin ng kabataan. Sa bawat aktibidad na ating isinagawa, kayo ang naging dahilan kung bakit mas naging makabuluhan ang bawat pagsisikap.

Lubos din ang aming pasasalamat sa patuloy na suporta ng ating City Mayor, Hon. Mark Don Victor B. Alcala, at Vice Mayor, Hon. Roderick β€œDondon” Alcala, na patuloy na nagbibigay ng suporta at pagkakataon upang maisulong ang mga programa para sa kabataan.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Barangay ng Ilayang Iyam, sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Hon. Bartolome β€œRomy” Comia, sa walang sawang paggabay, suporta, at pakikiisa sa bawat hakbang ng aming Konseho.

Sa loob ng apat na taon, sama-sama nating hinarap ang iba't ibang hamonβ€”mula sa simula hanggang sa pag-abot natin sa dulo ng ating termino. Maraming pagbabago, pagsubok, at pagkakataong dumaan, ngunit sa kabila ng lahat, pinili nating manatiling magkakaisa.

Hindi man naging perpekto ang aming Konseho, ang bawat karanasan, pagkakamali, tagumpay, at hamon ay naging bahagi ng paghubog sa amin bilang mga lingkod-kabataan. Hindi man perpekto, ngunit pinili naming maging matatag, magpatuloy, at manatiling buo hanggang sa huli.

Sa pangunguna ng ating SK Chairperson, Hon. Erika Mae F. Ibarrola, naisakatuparan ang iba't ibang programa, proyekto, at aktibidad na naglalayong magbigay ng oportunidad, suporta, at espasyo para sa bawat kabataan ng Barangay Ilayang Iyam.

At higit sa lahat, ang bawat tagumpay ng aming Konseho ay hindi lamang aminβ€”ito ay tagumpay ng buong kabataan ng Ilayang Iyam.

Sa apat na taong ating pinagsamahan, umaasa kami na kahit sa maliit na paraan, naging inspirasyon, katuwang, at tulay kami tungo sa inyong mga pangarap at minimithi sa buhay.

Maraming salamat sa inyong tiwala.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.
Maraming salamat sa apat na taong pagsasama.

Para sa kabataan. Para sa bayan.

𝐌𝐚𝐠𝐬𝐒𝐬𝐒π₯𝐛𝐒 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 π€πšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐀𝐚𝐩𝐚𝐀𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 π›πšπ²πšπ§.


π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π πŸπŸŽπŸπŸ”πŸŽ’ π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ π†πŽ 𝐁𝐀𝐆 πƒπˆπ’π“π‘πˆππ”π“πˆπŽπBilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, isinagawa...
11/08/2026

π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€π“π€π€π πŸπŸŽπŸπŸ”πŸŽ’
π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ π†πŽ 𝐁𝐀𝐆 πƒπˆπ’π“π‘πˆππ”π“πˆπŽπ

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam ang pamamahagi ng Emergency Go Bags para sa mga kabataan ng barangay.

Ang inisyatibang ito ay naglalayong palakasin ang kahandaan ng kabataan sa oras ng sakuna at iba’t ibang emergency situations. Higit pa sa isang bag, ito ay simbolo ng paalala na ang pagiging handa ay isang mahalagang bahagi ng pagiging responsableng kabataan at miyembro ng komunidad.

Sa pamamagitan ng programang ito, nais ng Sangguniang Kabataan na mahikayat ang bawat kabataan na maging handa, maagap, at may sapat na kaalaman sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.

Dahil ang kabataan ay hindi lamang dapat handa para sa kinabukasanβ€”dapat handa rin sila para sa anumang hamon na maaaring dumating ngayon.

𝐌𝐚𝐠𝐬𝐒𝐬𝐒π₯𝐛𝐒 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 π€πšπ›πšπ­πšπšπ§ 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐀𝐚𝐩𝐚𝐀𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 π›πšπ²πšπ§.


Address

0677 Brgy, Hall Purok Magkakapatid Ilayang Iyam
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan of Barangay Ilayang Iyam:

Shortcuts

Share