13/08/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ณ๐จ๐ง! ๐ต๐ญ
Nakikiisa ang Hiyas Kalilayan Cultural Group sa buong lalawigan sa paggunita ng makasaysayang Trece de Agosto, isang araw na sumisimbolo sa katapangan, pagkakaisa, at walang hanggang pagmamahal sa bayan.
Noong Agosto 13, 1898, matapos mapagtagumpayan ang mga labanan, idineklara ang paglaya ng Tayabas at ng buong lalawigan mula sa kapangyarihang Espanyol sa isang makasaysayang seremonyang ginanap sa Basilika ni San Miguel Arkanghel. Sa pangunguna ni Heneral Miguel Malvar, taimtim na iwinagayway ang ating bandila mula sa tore ng simbahan bilang sagisag ng pagtatagumpay at tanda ng pag-asa ng bagong umuusbong na kalayaan.
Ang pagdiriwang na ito ay nagpapaalala na ang kalayaan ng Tayabas ay bunga ng katapangan at sakripisyo ng ating mga ninuno; isang pamana na patuloy nating ipinagdiriwang at pinangangalagaan.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtataguyod ng ating mayamang kultura, kasaysayan, at pamana. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang lalo nating mahalin at ipagmalaki ang ating lalawigan at ang ating pagka-Pilipino.
Mabuhay ang Lalawigan ng Quezon! Mabuhay ang kulturang Pilipino! ๐โค๏ธ๐
***
Ang pagdiriwang ng Trece de Agosto ay itinatadhana ng Provincial Ordinance No. 2023-011 na gunitiaan sa bawat taon upang bigyang halaga ang kagitigang ipinamalas ng mga lumaban upang matamo ang kalayaan ng lalawigang Tayabas muna sa mga Espanyol.