03/08/2026
Hello sa mga mahilig at kahit hindi masyadong mahilig sa kakanin😊
Tikman at Siguradong magugustuhan nyo ang aming Bibingkang Kanin na masarap kapares ng mainit na kape🥧☕️
Sa bawat pag order/pagbili nyo ng Bibingkang Kanin ay may tulong kayong maibibigay para sa Community Service Program ng QNHS Batch 1987 Association Inc. Malaking bagay ang mararating ng inyong pagtangkilik sa masarap na kakanin na magbibigay at dagdag malasakit para sa ating komunidad.❤️
Ilan sa mga programang mapopondohan ng inyong bawat pagbili ay ang: Feeding Program for Children at Coastal Clean Up Drive.
Magcomment o PM lang po para sa inyong order😊
📍Pick-up @ Purok Tulungan, Brgy. Cotta malapit sa Lucena South 1 Elem. School, bahay na may pulang Gate.
🛵 Delivery charge applies