10/09/2025
Kabataan ng NNHS Barkada Kontra Droga, Katuwang sa Pagsusulong ng Kapayapaan at Wellness!
Isang makabuluhang karanasan ang natamo ng NNHS Barkada Kontra Droga (BKD) Officers sa kanilang matagumpay na pagdalo sa Youth for Peace and Wellness Seminar bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan Kick-Off Celebration ng Lalawigan ng Quezon.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, mas napalalim ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng kapayapaan, kalusugan, at pagkakaisa. Naging daan din ito upang pagtibayin ang pangako ng ating mga kabataan sa pagsusulong ng isang malusog, mapayapa, at ligtas na pamayanan na walang bisyo at droga.
Tunay ngang ang tagumpay ng seminar ay patunay ng aktibong partisipasyon at dedikasyon ng mga kabataan ng NNHS sa adbokasiya ng kabataan para sa kapayapaan at wellness.