Happy Kids Productions

Happy Kids Productions Music, music music and having fun supporting local artist.....

🎉🌤️https://www.facebook.com/share/18bv9NT7E9/?mibextid=wwXIfr
26/01/2025

🎉🌤️
https://www.facebook.com/share/18bv9NT7E9/?mibextid=wwXIfr

Sa aming bayan na tila laging basa,
Buwan ng ulan, wala nang pahinga,
Pero isang araw, oh kay saya,
Ang haring araw biglang sumilip na!

Mga bata’y sabik, agad nagtipon,
Sa kalsadang basa, naglaro’t nagsayawan,
May tsinelas, may sapatos, kahit medyas lang,
Ang tawanan ay abot hanggang kalangitan.

Si Aling Bebang, naglabas ng suman,
Si Mang Tomas, may dala pang binanging saging,
Kahit di piyesta, ang daming pagkain,
Parang lahat gustong magdiwang!

Ang mga nanay, nagsabit ng sinampay,
Si tatay naman, humayo na at sumaka,
May kantahan, may kwentuhan, may konting sayawan,
Walang ulan ang makakapigil sa kasiyahan.

“Hoy, si kuya! May karaoke na dala!”
Ang kapitbahay, may dalang gitara,
Ang lulu lula, nagchacha sa gitna,
Ang buong baryo, bayan namin wari'y fiesta talaga!

Sabi nila, ang araw daw ay pag-asa,
Na kahit sa ulan, may darating na ginhawa,
Kaya sa baryo namin, kapag araw sumikat,
Ang lahat ng puso, muling sumisigla’t sumisikat.

Kaya kung kayo’y sawa na sa lungkot at ulan,
Halina’t dalawin ang aming bayan,
Dito sa amin, kahit simpleng pagsikat ng araw,
Piyesta agad, basta’t sama-sama sa galak at tawanan!

📸 Share mo ito, baka abutin tayo ng ulan!






23/01/2025

Address

Lucban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Happy Kids Productions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share