11/10/2026
MARAMING SALAMAT PO SA INYO, OUR DEAR PASTORS!
Hindi man po namin palaging nasasabi, pero sobrang thankful po kami sa bawat isa sa inyo.❤️
Salamat po sa pagmamahal na hindi nagsasawang umunawa, sa mga panalanging patuloy na umaalalay sa amin, at sa paglilingkod na ginagawa po ninyo nang buong puso. Ramdam po namin ang pagmamahal ni Lord sa pamamagitan ng inyong buhay. Sa mga panahong kailangan namin ng lakas, gabay, at panalangin, nandiyan po kayo para umalalay at magpaalala na hindi kami nag-iisa.
Alam po naming hindi laging madali ang pagiging pastor. May mga pagod na hindi nakikita, mga laban na kayo lang ang nakakaalam, at mga panalanging kayo lang at si Lord ang nakakarinig. Pero gusto po naming malaman ninyo na nakikita namin ang inyong sakripisyo, nararamdaman namin ang inyong pagmamahal, at ipinagpapasalamat namin kayo sa Diyos.
Patuloy po nawa kayong palakasin, ingatan, at pagpalain ni Lord. Dalangin po namin na sa dami ng buhay na inyong pinagpapala, kayo rin ay patuloy na mapuno ng Kanyang presensya, kapayapaan, at kagalakan.
Mahal po namin kayo! ❤️❤️❤️ Hindi lang po dahil sa inyong tungkulin bilang mga pastor, kundi dahil sa mga taong kayo, sa pusong marunong magmahal, at sa pananampalatayang patuloy na naglilingkod kahit hindi madali.
To our pastors, maraming-maraming salamat po. We appreciate you. We thank God for your lives!
🩷🩷🩷