09/02/2023
"๐ ๐ฎ๐ป๐ ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐น๐ถ๐ด๐ต๐ ๐๐ผ๐ฟ๐ธ."
Sa bawat araw na ating pagmamasid, kilala pa ba natin ang ating mundo? Sa libo-libong tonelada ng mga basura sa ating paligid, maiisalba pa kaya natin ito? Malinis na kapaligiran, hindi kalbong kagubatan, at mga malinis na katubigan, kaya pa kaya natin itong isakatuparan? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ngunit hindi ko maitatangging ito'y posible. Para sa ilan, ang katotohanan sa ating mundo ay "malabo nang ayusin". Maaaring nga na totoo ito. "Pero ang katotohanan ay hindi nagbibigay ng puwang sa pagdududa, pagtataka at pagdadalawang-isip". Sa simpleng wastong pagtatapon ng basura, makakatulong ba tayo sa ating kalikasan? maaring maliit itong bagay pero posible ba? Kung magtatanim ba ako ng halaman at puno ay mapupunan na ba nito ang kalbong mga kagubatan? Hindi ako makakasigurado pero, posible ba? Ang mahalagang tanong ay, totoo bang malabo na nating ayusin pa ang ating mundo? HINDI ITO TOTOO, "Facts leave no room for possibilities." Ang ating mundo'y hindi lamang tungkol sa katotohanan, kundi pati narin sa mga posibilidad at pag-asa. Pag-asang maayos ang ating mundo. Pag-asang maibalik ang dating wangis nito. At pag-asang matagal nang nagiintay sa atin.
Ang poster na ito ay pinamagatan kong "Many hands make light work" sapagkat para sa akin, hindi malabong ayusin ang ating mundo. Ang mga bagay na sa tingin nati'y imposible, gawin nating posible sa makabuluhang pamamaraan. Hinihimok ko ang bawat isa na makilahok sa mga programa gaya ng clean-up drive sa ating komunidad. Sapagkat naniniwala ako na kung tayo'y nagtutulong-tulong na naglilinis at naniniwala sa iisang mithiin na mapabayabong ang ating kalikasan, ay tiyak na maayos na mundo ang kapalit nito. Hindi lamang para sa'tin, pati na rin sa susunod pang henerasyon.