14/05/2026
TRY OUT | Los Baños Team for Laguna Inter-Town Basketball Tournament
Opisyal nang sinisimulan ng Bayan ng Los Baños sa pangunguna ng ating Kgg. Mayor Neil Andrew Nocon at sa pamamagitan ng Local Youth Development Office ang paghahanda para sa nalalapit na Laguna Inter-Town Basketball Tournament sa pamamagitan ng pagsasagawa ng basketball tryouts sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan na higit pang mapaunlad sa larangan ng sports, matuklasan at malinang ang kakayahan ng mga mahuhusay na atletang Los Bañense, at mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan na maipakita ang kanilang talento, disiplina, dedikasyon, at husay sa larangan ng basketball.
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin din natin na makabuo ng isang matatag, disiplinado, at kompetitibong koponan na buong pusong magrerepresenta sa Bayan ng Los Baños sa nalalapit na torneo.
Tryout Schedule:
May 16, 2026 | Saturday
15 under | born 2011
1 pm - 3 pm
25 under | born 2001
3 pm - 5 pm
Mangyaring magsuot ng angkop na kasuotan sa paglalaro.
Mga kinakailangan dalhin:
• Light and Dark Jersey
• Photocopy of PSA
• 2 pcs 2x2 Picture
• Water
Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Mr. Arvin P. Averion, Sports Coordinator at Head Coach ng Los Baños Basketball Team.