09/08/2026
๐ก๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐๐บ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐๐ถ-๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐ ๐๐ฟ. ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ข๐ก๐
Ilang linggo matapos ang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at โHagupit TK Caravanโ ng Timog Katagalugan noong Hulyo 25-27, patuloy pa rin ang pasismo ng estado at mga anti-mamamayang gawain nito.
Sa unang araw pa lamang ng caravan ay nakaranas na ang delegasyon ng maraming pagharang ng mga elemento ng mga kapulisan sa kabila ng walang malinaw na dahilan. Nagkasa rin ng picket protest ang mga manggagawa ng San Miguel Integrated Logistics Services Inc. (SMILSI) dahil sa ilegal na pagtanggal ng management sa mahigit 800 nitong mga manggagawa, na magpahanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang picket line sa Santa Rosa, Laguna.
Sa ikalawang araw, nakaranas ang delegasyon ng pagpapakawala ng pesticide mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa gitna ng pagsasagawa ng kilos-protesta sa harap ng central office nito, kung saan kinalampag ang ahensya sa mga proyekto at polisiya nitong higit na nagdudulot ng pagkasira ng mga kabundukan at kalikasan ng bansa. Sa kabila nito, patuloy na itinatanggi ito ng Departamento at sinasabing misting lamang kahit kitang-kita at amoy na amoy na hindi ito misting lamang. Kinukundena ng Curia ang pagtanggi at pagsisinungaling ng ahensya. Ito ay isang malinaw na paglabag sa karapatang pantao at nagpapakita lamang ng baluktot na intensyon ng ahensya laban sa mga lumalabang mamamayan para sa kalikasan.
Sa mismong araw ng SONA at huling araw ng Hagupit TK Caravan, kung saan bitbit ng malawak na hanay ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, at ibaโt ibang progresibong grupo ang mga panawagan laban sa korapsyon, militarisasyon, pagsira sa kalikasan, at lantarang pagiging papet ng administrasyong Marcos Jr. sa Estados Unidos, ay ipinaranas muli ng estado ang pamamasista at paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
Ilang ulit ang naging pagharang sa delegasyon at tumambad ang barikada ng mga kapulisan. Mayroon ding mga naging pagbabanta sa mga delegado ng Timog Katagalugan na sila umanoโy huhulihin. Higit pa rito, nagkaroon ng panggigigitgit at ilegal na pag-aresto sa limampuโt isa na mga lumahok sa Peopleโs SONA protest, kung saan walang habas na dinampot ng mga kapulisan ang ilan sa mga paralegal at mga menor de edad batay lamang sa kanilang pananamit at mga takip sa mukha. Ang siyam rito ay sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at pinalaya ang iba pa dahil sa kawalan ng isasampa at pruweba. Ipinapakita lamang nito na ang mga ordinaryong mamamayang nagpapahayag lamang ng tunay na hirap ng kanilang kalagayan ang ipinipinta nila bilang mga kriminal, habang ang mga korap na opisyal ay patuloy na malaya.
Isa rin sa mga naging tampok na usapin ay ang pagtatayo umano ng Pax Silica sa Tarlac na mariing tinutulan ng malawak na hanay ng masa. Ngunit magpahanggang ngayon ay tila ba nagpipikit-mata at nagtatakip ng tenga si Marcos Jr. sa kanyang patuloy na pagpapakatotoo sa Estados Unidos. Patuloy pa rin ang kanilang pagtulak sa proyektong ito na sa katotohanan ay magdadala lamang ng pahamak sa mamamayan ng Tarlac at Pilipinas. Ang proyektong ito ay magdadala ng mas malalang suliranin sa kalikasan at likas na yaman natin,
Nagpapatuloy rin ang pasismo ng estado ilang linggo matapos ang SONA ni Marcos Jr. Patuloy ang hindi pagbibigay ng respeto ng militar sa mga rebolusyonaryong martir ng Mindoro at Abra. Ilang araw nilang binulok bago ibigay ang mga labi sa mga paralegal at pamilya ng mga martir. Patuloy rin ang pasismo ng estado sa mga organisador ng mga katutubo sa Mindoro nang ilegal nilang hulihin si Binay Serrano kasama si Christina Pasion.
Sa gitna rin ng matinding hagupit ng Habagat sa buong kapuluan ng Luzon ay patuloy na isinisiwalat nito ang kabulukan ng mga Flood Control Projects na hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot. Matapos ang ilang serye ng imbestigasyon sa malakihang korapsyon na ito, ay hindi pa rin napapanagot ang punoโt dulo nito, sina Marcos Jr. at Sara Duterte. Kaya naman kaisa ang Curia sa patuloy na pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon at sa hari at reyna nito.
Mariing kinokondena ng Kapatirang Plebeians UPLB Curia ang lahat ng ginawang pagbabanta at pamamasismo ng estado sa mamamayang lumalaban. Ang mga isinagawang protesta ay karapatan ng mga mamamayang Pilipino na ipakita, ipanawagan, at iparamdam ang tunay na kalagayan ng sambayanan na hindi kailanman maririnig o mababasa sa huwad at mabulaklak na talumpati ni Marcos Jr. Malinaw sa mga nangyari na hindi nakikinig sa sambayanan ang administrasyon ni Marcos Jr. at lalo pa nitong ninanais na patahimikin ang mga mamamayang lumalaban.