24/10/2026
𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 | 𝟏𝟐𝐓𝐇 𝐖𝐄𝐄𝐊 𝐎𝐅 𝟏 𝐖𝐄𝐄𝐊 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐀𝐋𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐈𝐒𝐊𝐎’𝐓 𝐈𝐒𝐊𝐀 𝐈𝐍 𝐍𝐄𝐄𝐃
₱19,000.00 TOTAL CONSUMED BUDGET | OCTOBER 19–23, 2026
Sa panibagong linggo ng ating 1 Week Free Meals Program, patuloy na nagsisilbi ang ElBiyaya sa mga Isko’t Iska ng UPLB na nangangailangan ng suporta, lalo na sa gitna ng mga hamon sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na gastusin.
Para sa ika-12 linggo ng First Semester AY 2026–2027, umabot sa ₱19,000.00 ang kabuuang pondong inilaan para sa programa noong October 19–23, 2026. Sa pamamagitan nito, naipagpatuloy natin ang pagbibigay ng libreng tanghalian at hapunan sa ating mga student recipients, kabilang ang mga regular beneficiaries, mga bagong recipients, at mga estudyanteng nangangailangan ng agarang tulong.
Sa linggong ito, patuloy nating sinuportahan ang ating long-term recipients, mga bagong Isko’t Iska, at iba pang estudyanteng nangangailangan ng karagdagang slots at tulong mula sa ating help desk. Bawat pondong natatanggap natin ay nagiging bahagi ng ating pagsisikap na makatulong sa pagbawas ng kanilang gastusin sa pagkain upang mas makapagpokus sila sa kanilang pag-aaral.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa ating 19 respondents na nagbahagi ng kanilang feedback tungkol sa programa. Batay sa nakalap na responses, 84.2% ang Very Satisfied at 15.8% ang Satisfied sa kabuuang serbisyo ng programa. Sa food taste satisfaction, 84.2% ang nagbigay ng Excellent at 15.8% ang Very Good. Samantala, 78.9% ang nag-rate ng Excellent at 21.1% ang Very Good pagdating sa meal portion size.
Bukod dito, 100% ng respondents ang nag-rate ng Excellent sa staff and communication process, gayundin sa efficiency ng aming serbisyo. Mahalaga sa amin ang bawat feedback dahil nagsisilbi itong gabay upang patuloy nating mapabuti ang kalidad, sistema, at paghahatid ng ating mga serbisyo.
Hindi rin namin ipinagwawalang-bahala ang mga suhestiyon tungkol sa packaging, disposable utensils, food preferences, at pagsasaalang-alang sa food allergies ng mga recipients. Patuloy naming pagbubutihin ang programa upang mas maging maayos, inclusive, at responsive sa pangangailangan ng bawat estudyanteng aming pinaglilingkuran.
Sa aming mga donors, sponsors, partners, at sa lahat ng patuloy na nagtitiwala sa ElBiyaya, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Ang bawat donasyon, maliit man o malaki, ay nagiging bahagi ng konkretong tulong na natatanggap ng ating mga kapwa Isko’t Iska.
Sa kabila ng mga hamon sa pagpapatakbo ng programa, patuloy nating pinaninindigan ang kahalagahan ng transparency, accountability, at malasakit sa komunidad. Ang ulat na ito ay bahagi ng aming pangakong maipakita kung paano ginagamit ang mga pondong ipinagkakatiwala sa ElBiyaya at kung paano ito nagiging tulong sa mga estudyanteng nangangailangan.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang adbokasiyang walang Isko’t Iska ang kailangang mag-aral nang gutom.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ika-12 linggo ng ElBiyaya 1 Week Free Meals Program!
Para sa Bayan. Para sa Isko’t Iska.