21/09/2026
𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙆𝘼𝙄𝙇𝘼𝙉𝙈𝘼𝙉 𝙈𝘼𝙆𝘼𝙆𝘼𝙇𝙄𝙈𝙊𝙏. 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙉𝘼 𝙈𝙐𝙇𝙄𝙉𝙂 𝙃𝘼𝙃𝘼𝙔𝘼𝘼𝙉.
Noong Setyembre 21, 1972, nilagdaan ni Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagdeklara ng Batas Militar sa buong bansa. Sinundan ito ng mga taon ng matinding paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag, at pagkitil sa mga demokratikong karapatan. Sa ilalim ng diktadura, maraming buhay ang nawala, mga pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay, at mga tinig ang tinangkang patahimikin.
54 na taon ang lumipas, ngunit hindi natapos sa nakaraan ang laban.
Sa kasalukuyang panahon, patuloy na nararanasan ng mamamayan ang iba’t ibang anyo ng pasismo at panunupil—mula sa panggigipit at pagbabanta hanggang sa pagsupil sa malayang pagpapahayag at karapatan ng mga tumitindig para sa bayan. Sa harap nito, lalong mahalaga ang pag-alala: sapagkat ang paglimot sa kasaysayan ay maaaring magbigay-daan sa pag-uulit ng mga karahasang minsan nang dinanas ng sambayanan.
Kasabay nito, ginugunita ng Unibersidad ng Pilipinas ang UP Day of Remembrance, bilang pag-alala sa mga Iskolar ng Bayan, kawani, g**o, at iba pang kasapi ng komunidad ng UP na tumindig laban sa diktadura. Ang kanilang mga kuwento ay bahagi ng kasaysayan ng unibersidad—mga kuwento ng paglaban, paninindigan, at pagtatanggol sa katotohanan, kalayaan, at karapatan.
Kung kaya’t nakikiisa ang UPLB Alliance of Varsitarian Organizations (AVO) sa paggunita at patuloy na paninindigan laban sa paglimot at pagbaluktot ng kasaysayan. Hindi natin kakalimutan ang mga buhay na nawala, mga tinig na pinatahimik, at mga mamamayang lumaban.
Sa araw na ito, ginugunita natin ang nakaraan upang kilalanin ang mga aral nito, at kumikilos tayo sa kasalukuyan upang hindi na muling maulit ang karahasan at panunupil.
𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙂𝙆𝙄𝙇𝙊𝙎 𝙉𝙂𝘼𝙔𝙊𝙉𝙂 𝘼𝙍𝘼𝙒✊
📍 YS Decentralized Program
🕐 1:00 PM
📌 Olivares, Laguna
📍 Laguna Centralized Program
🕟 4:30 PM
📌 Calamba Crossing
𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐥𝐚𝐚𝐥𝐚, 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧.
𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬.
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐦𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐦𝐨𝐭. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧.