26/06/2025
KALUSUGAN, KAGINHAWAAN, AT KABUHAYAN, HANDOG NG MASSAGE CENTER & HEALTH SPA PARA SA BAYAN! 🎉✨
Isang makasaysayang araw para sa bayan ng Los Baños! 🎉 Muling pinasinayaan nitong Hunyo 24, 2025 ang newly reconstructed Bagong Los Baños Therapeutic Massage Center and Health Spa—isang proyektong muling inilunsad upang maghatid ng mas pinahusay na serbisyong pangkalusugan at magbukas ng oportunidad sa kabuhayan para sa mga mamamayan.
Pinangunahan ang inagurasyon ng butihing Hon. Mayor Anthony "Ton" Genuino kasama si Mayora Racquel Genuino, Konsehal Jonsi Siytiap, Queensehala Leren Mae Bautista, SK Federation President Samantha Banasihan Ortega, Councilor-elect Myla Alinsunurin, mga Kapitan ng Barangay, MGLB Department at unit heads, mga kawani ng munisipyo, KKNT, massage therapists, at mga residente ng Los Baños.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) bilang bahagi ng adbokasiyang pangkabuhayan ng Pamahalaang bayan—isang konkretong hakbang tungo sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at pagtataguyod ng wellness tourism sa bayan ng Los Baños. 💆💆♀️💆♂️
Isang hakbang pasulong tungo sa mas masigla, malusog, at progresibong Bagong Los Baños! ✨