21/09/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ '๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Sa pagdating ng ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฑ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ sa ating bansa, muli tayong pinapaalalahanan sa isang mapait na bahagi ng ating kasaysayan. Bilang anak ng dating diktador, hindi maikakaila kung paano nananatiling makapangyarihan ang pamilyang Marcos, habang patuloy itong inaalala at ginugunita ng sambayanang Pilipino. Halimbawa na lamang ang tila kakulangan ng pagbibigay-pansin sa Setyembre 21, kasabay ng pagbibigay-diin sa ibang mga kaganapan tulad ng National Family Week na, bagama't hindi natin binababa ang esensya, makikita natin na mayroong tiyak na interes na kinikilingan ng ating gobyerno.
Ngunit ang pag-alala sa Batas Militar ay hindi lamang dapat nakatuon sa mga pangyayaring naganap noong Setyembre 21. Mahalaga ring balikan ang kalagayan ng masang Pilipino, lalo na ng mga magsasaka na patuloy na nagpapakain sa ating bansa. Sa kabila ng pagiging pundasyon ng ating pagkain at ekonomiya, nananatiling pasan ng mga magsasaka ang mga problema gaya ng pang-aagaw ng lupa, patong-patong na utang, mababang kita, at ang hindi pagbibigay-pansin ng gobyerno.
Halimbawa na ng mga problemang ito ay ang Masagana 99 program ni Marcos Sr., isang programa sa ilalim ng โGreen Revolutionโ na layon umanong paramihin at pagandahin ang ani ng ating mga magsasaka at makapag-angkat sa ibang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng mga inangkat na high-yielding varieties o HYVs. Kaakibat nito ay ang paggamit ng mga input na hindi rin ginagawa ng ating bansa. Ang resulta nito ay naging isang malaking pagkabigo.
Una sa lahat, hindi nito nakamit ang inaasahang epekto na gawing rice-exporting country ang Pilipinas. Sa crop year ng 1977-1978, halimbawa, nasa 13,400 na tonelada lamang ng bigas ang ating na-export sa labas ng bansa. Sa parehong crop year, nakapagtala ng mahigit 4,481,700 na tonelada ng produksyon, kung saan ang kalakhan ay sapat lamang para punan ang lokal na pangangailangan ng mga Pilipino. Dito pa lamang, makikita na hindi nito kayang tugunan ang mungkahi na makapag-export tayo ng bigas palabas ng ating bansa. Ang bigas ay kilalang Giffen at essential good ng ating bansa, nangangahulugang hindi maaaring biglaang taasan ang presyo nito. Ngunit dahil komersyalisado ang sistema nito, kung saan umaasa ang gobyerno na makakapag-export tayo ng bigas na gagamitin sana bilang pambayad ng utang, binaon nito sa utang hindi lamang ang ating mga magsasaka, kundi pati na rin ang ating banking industry, na umanoโy pwersadong magpautang kahit walang collateral na inaalok ang gobyerno dahil alam natin kung gaano kalala ang credit performance ng mga magsasaka natin. Pagsapit ng Abril 1974, halimbawa, mahigit 503 milyong piso ang naipautang ng mga rural bank sa Pilipinas, kung saan malaking halaga nito ay hindi mababayaran dahil sa patuloy na pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa kapalpakan ng Masagana 99. Ang Philippine National Bank, halimbawa, ay nakapagtala ng mahigit 180 milyong piso, at mahigit 300 milyong piso naman sa ibaโt ibang rural banks sa bansa. Pinakamabigat nitong tinamaan ang mga magsasaka, kung saan marami ang napilitang iwanan ang propesyon at, minsaโy, ibinenta pa sa mga commercial developers ang mga lupa upang magkapera.
Bukod pa rito, may ilan ding ulat na sa simula pa lamang ay bigo na ang programang ito. Dahil banyaga ang mga paraan at input na gagamitin sa programa, hindi kinaya ng mga magsasaka na masunod ang tamang proseso sa mga panibagong kagamitan. Dagdag pa rito ang kakulangan sa mga agriculturist na ginagamit ng gobyerno, lalo na ng mga agricultural extension worker. Isa pang salik nito ay ang kakulangan sa sapat na makinarya at pasilidad gaya ng post-harvest facilities, na hindi na sapat dahil sa pagdami ng mga ani. Nagsasanhi ito ng pagkalugi at dagdag na trabaho sa mga magsasaka na sa simula ay hindi na sana kailangan.
Ang pinakamasalimuot din dito ay ang malawakang paggamit ng synthetic fertilizers at pesticides. Nagbibigay kasi ito ng panangga sa mga peste na nangangailangan ng mas mahal pang input para lamang ma-control ito. Bukod pa rito, kalakhan din kasi ng mga synthetic input ay gumagamit ng langis, isang produkto na madalas tumaas ang presyo sa pandaigdigang merkado, gaya ng nadarama natin ngayon dahil sa giyera-agresyon ng US sa Iran.
Bagama't mahigit limang dekada na ang nakalipas mula nang simulan ang programa, dama pa rin ng ating mga magsasaka ang epekto nito. Kalakhan pa rin sa ating mga magsasaka ay umaasa sa mga synthetic input. Patuloy ding hindi nabibigyan ng sapat na suporta ang ating mga magsasaka, lalo na sa pagpapakalat ng agricultural extension workers. Patuloy ding nagkukulang ang kagamitan ng ating mga magsasaka, halimbawa na diyan ang patuloy na paggamit ng mga kalabaw. Sa huli, walang ibang lugi kundi tayong masa na patuloy na pinapasan ang mataas na presyo ng bilihin na nagsasanhi ng pagkagutom sa buong bansa.
Kaya sa darating na Setyembre 21, gamitin natin ang oportunidad na ito upang paingayin ang hinaing ng ating bayan. Isabuhay natin ang sakripisyo ng mahigit 70,000 na naging biktima ng Batas Militar, sa patuloy na pagkalampag sa pasilyo ng Malacaรฑang. Ang ๐จ๐ฃ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฐ๐ผ๐ป๐ผ๐บ๐ถ๐ฐ๐ ay nakikiisa sa patuloy na pagkiling alang-alang sa interes at karapatan ng sambayanang Pilipino.
๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ถ๐ป. ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐ณ๐ผ๐ฟ๐ด๐ฒ๐. ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ผ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐!