23/09/2026
𝐂𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄𝐋𝐋𝐎𝐑 𝐒𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍: 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐈𝐋𝐈 𝐀𝐓 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐈𝐋𝐈, 𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐏𝐋𝐁!
𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐌𝐈𝐈𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐔𝐏𝐋𝐁?
Sa muling pagsasailalim ng UPLB sa pagpili ng susunod na Chancellor, mahalagang isaalang-alang na ang pasyang ito ay may direktang epekto sa magiging kalagayan at tipo ng trabaho at edukasyong matatamasa ng mga mag-aaral, g**o, REPS, kawani, at manggagawa. Sa harap ng mga kandidaturang nagtataguyod ng iba’t ibang sentro ng plataporma, dapat suriin ang mga ito batay sa aktwal na karanasan at pangangailangan ng buong komunidad.
Patuloy na kinakaharap ng UPLB ang isang kolonisado, komersyalisado, at pasistang uri ng institusyon. Kabilang dito ang mga patakarang naglilimita sa akses sa edukasyon, mga banta sa akademikong kalayaan at seguridad sa demokratikong espasyo. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng Office of the Vice Chancellor for Innovation and Enterprise Management (OVCIEM) na siyang nagkokonsolida ng business affairs, technology transfer, land grant management, at resource generation functions, patuloy ang pag usbong ng entrepreneurial orientation ng pamantasan na makikita sa income generation plans, institutional resource mobilization, public-private partnerships, at komersyal na paggamit ng mga asset. Ngunit sa kabila nito, nananatiling may malaking balakid sa akses sa batayang pangangailangan sa pasilidad, serbisyo, learning spaces, dormitories, kuryente, tubig, at mga sistemang pang-akademiko. Bukod dito, ang mahihigpit na retention, INC, DRP, at residency policies ay patuloy na nakakaapekto sa sangkaestudyantehan. Higit pa rito, ang mga insidente ng red-tagging, harassment, threat, at intimidation dulot ng patuloy na militarisasyon at panghihimasok ng iba’t ibang pwersa ng estado ay nagbabanta sa seguridad, akademikong kalayaan at karapatang magpahayag at mag-organisa ng mga estudyante at kawani ng pamantasan.
𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐑𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐓?
Bilang isang pampublikong pamantasan na marapat na naglilingkod sa bayan, hindi dapat ituring ang UPLB bilang isang negosyo. Dapat nitong tinataguyod ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon kung saan ang kaalaman, pananaliksik at layunin ay nakatuon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan, kabilang na ang mga constituent na nakapaloob dito. Kaya’t ang pagpili ng Chancellor ay dapat nakabatay sa multi-sektoral na agenda at kapakanan ng buong komunidad ng UPLB, hindi lamang sa pagtalima sa tagumpay ng iilang programa kung saan hindi naman lahat ay nakikinabang.
Ang uupong lider ay sa dapat, may tapat na hangarin at malinaw na mga hakbangin upang isulong ang isang 𝐦𝐚𝐤𝐚-𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 at 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 pamantasan: isang institusyong nagtataguyod ng libre at abot-kamay na akses sa edukasyon, sapat na serbisyo, scholarship, pasilidad, pati na rin ng makatarungang sahod, trabaho, at batayang karapatan ng mga kawani nito. Para sa isang tunay na 𝐝𝐞𝐦𝐨𝐤𝐫𝐚𝐭𝐢𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐛𝐨𝐧𝐠 pamumuno, ang nararapat na Chancellor ay bukas sa pakikinig at patuloy na pakikipag-diyalogo sa mga hinaing ng mga estudyante, g**o, REPS, manggagawa, unyon, konseho, at organisasyon na pumapabilang dito. Dapat din siyang handang 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐠𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐠𝐨𝐭 sa mga epekto ng mga kwestiyunableng patakaran at desisyon ng administrasyon. Panghuli, kinakailangan siyang maging matibay na 𝐭𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐚𝐝𝐞𝐦𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐝𝐞𝐦𝐨𝐤𝐫𝐚𝐭𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐩𝐚𝐬𝐲𝐨 na may malinaw at konkretong mga mekanismo upang pangalagaan ang kalayaang magpahayag, mag-isip, at mag-organisan sa pamamagitan ng pagkondena at paglaban sa lumalalang red-tagging, harassment, threat, intimidation, at tumitinding panghihimasok ng mga kapulisan at militar sa pamantasan.
𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐈𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐌𝐓𝐀𝐍?
Kaugnay ng mga nabanggit na basehan sa pagpili ng Chancellor ay dapat magkaroon din ng makabuluhan at mapanuring partisipasyon ang buong komunidad sa prosesong ito. Mula sa pagsusuri sa track record, hanggang sa resulta ng kanilang ginampanan na posisyon sa pamatasan, mahalaga rin ang pagsusuri sa kanilang tunay at inklusibong paninindigan at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad. Mahalagang basehan din ang kanilang paninindigan para sa sapat na pondo sa edukasyon, pagtutol sa Reframed General Education Curriculum Component (RGECC) na ihinahain ng CHED, ang demokratikong pamamahala, at pagsulong sa mga patakarang tunay na nagsisilbi sa multi-sektoral na agenda na nangangailangan ng kagyat at konkretong pagtugon.
Hindi rin hiwalay ang usapin ng demokratikong proseso ng UPLB Chancellor Selection sa usapin ng miyembrong bumubuo sa Board of Regents (BOR)—ang pinakamataas na tagapagpasiyang kapulungan ng UP System na may katungkulang pumili ng susunod na Chancellor. Lubos na nakakabahala ang pag-upo ni Fernando C. Sanchez Jr. bilang Alumni Regent. Kritikal na usapin ang rehimeng Sanchez dahil nag-iwan ito ng madilim na kasaysayan ng pagpapahirap sa mga estudyante, g**o, kawani, at manggagawa ng UPLB. Paano nga ba kinakatawan ng isang tulad niya ang interes at kapakanan ng UPLB constituents? Umaayon ba ang kanyang mga kaisipan at kapasiyahan sa isang maka-estudyante, makatao, demokratiko, at pamamahalang may pananagutan? Bukod sa pagsusuri ng mga nominado, marapat ding siyasatin ang track record, tindig, at pananagutan ng mga miyembro ng BOR. Ang mariing pagkwestiyon at paghamon sa kredibilidad ng isang Regent na may malinaw na manipestasyon ng anti-student at anti-people na pamamalakad mula sa tala ng kasaysayan ay pundamental na bahagi ng ating demokratikong karapatan sa loob at labas ng pamantasan.
Hindi dapat maging kapalit ng ating kapakanan at dignidad ang pagpili ng susunod na Chancellor. Sa halip, dapat itong maging pagkakataon upang igiit ang pamumunong tunay na naglilingkod sa mga sektor nito, lalo’t higit sa bayan. Sa huli, ang paghubog sa direksyon ng pamantasan ay hindi dapat nakasalalay lamang sa isang administrasyon, kundi ito ay dapat nakaugat din sa tinig ng lahat ng sektor nito at sa mandatong maglingkod sa bayan.
Kaya’t sama-sama nating kalampagin ang Board of Regents. Dalhin ang panawagan ng komunidad ng UPLB para sa 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐎, 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐊𝐑𝐀𝐓𝐈𝐊𝐎, 𝐚𝐭 𝐌𝐀𝐏𝐀𝐍𝐀𝐆𝐔𝐓𝐀𝐍𝐆pamamahala.
𝐖𝐇𝐀𝐓:Board of Regents Mobilization
𝐖𝐇𝐄𝐍: September 24, 2026 | 5:00 AM Sentruhan, 8:30 AM Program
𝐖𝐇𝐄𝐑𝐄 UP Diliman
𝐁𝐎𝐑, 𝐇𝐄𝐄𝐃 𝐎𝐔𝐑 𝐂𝐀𝐋𝐋𝐒!
𝐓𝐔𝐌𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆 𝐀𝐓 𝐁𝐈𝐓𝐁𝐈𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐓𝐎! 𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐏𝐋𝐁!
See also: 𝑻𝑯𝑬 𝑼𝑷𝑳𝑩 𝑷𝑯𝑰𝑳𝑶𝑺𝑶𝑷𝑯𝒀 𝑶𝑹𝑮𝑨𝑵𝑰𝒁𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵𝑺' 𝑱𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑺𝑻𝑨𝑻𝑬𝑴𝑬𝑵𝑻 𝑶𝑵 𝑪𝑯𝑨𝑵𝑪𝑬𝑳𝑳𝑶𝑹 𝑺𝑨𝑵𝑪𝑯𝑬𝒁’ 𝑩𝑰𝑫 𝑭𝑶𝑹 𝑨 3𝑹𝑫 𝑻𝑬𝑹𝑴: "𝑾𝑬’𝑽𝑬 𝑯𝑨𝑫 𝑬𝑵𝑶𝑼𝑮𝑯! 𝑵𝑶 𝑴𝑶𝑹𝑬 𝑪𝑯𝑨𝑵𝑪𝑬𝑺, 𝑺𝑨𝑵𝑪𝑯𝑬𝒁!" https://www.facebook.com/share/p/1C9dtrBvfp/