04/08/2026
๐๐๐๐๐, ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐! โ๐ฅ
P**a ang unang kulay ng bahaghariโ ang kulay na ito ay sumisimbolo sa maalab na buhay ng bawat miyembro ng LGBTQIA+. P**a rin ang sumisimbolo sa tunay, palaban, at makabayang diwa ng sambayanang patuloy na lumalaban, nakikiisa, at kumikilos laban sa bulok at pahirap na sistema kung saan walang sinuman ang tunay na malaya.
Sa muling pagpasok ng bagong semestre, patuloy na iniaangat ng sangkaestudyantehan at ng buong komunidad ng LGBTQIA+ ang diwa ng kolektibong pagkilos laban sa mga sistematikong isyu na patuloy na kinakaharap ng mga estudyante at mamamayan, lalo't lalo sa aspetong pang-edukasyon. Dahil ang laban ng bayan ay laban ng sangkabaklaan, ang UPLB Babaylan ay patuloy na nakikiisa sa pagpapatambol ng mga isyung panlipunan na ating kinakaharap, lalo't lalo sa pagsulong ng isang pambansa, siyentipiko, at maka-masang edukasyon. Ating kinikilala na ang laban sa edukasyon ay hindi labas, bagkus ay kaakibat sa laban para sa inklusibo at makatarungang lipunan.
Hanggang sa kasalukuyan ay walang sapat na badyet ang edukasyon para sa maayos at libreng mga espasyo upang mas hasain ng mga artista ng pamantasan ang kanilang mga talento at maipakita ang kanilang kakayanan. Marami pa rin ang walang akses sa edukasyon at sa iba't iba pang batayang serbisyo, kagaya na lamang sa kalusugan at kalidad ng buhay, lalo't lalo sa parte ng mga kababaihan at LGBTQIA+. Hindi pa rin pantay ang pagkilala at pagtanggap sa ating komunidad, at hindi pa rin tunay na inklusibo ang lipunang ating ginagalawan.
Hanggaโt laganap pa rin ang diskriminasyon, opresyon, at karahasan, sa loob man o labas ng pamantasan, miyembro man ng LGBTQIA+ o ng iba pang pambansang minorya, hindi tayo titigil sa patuloy na pagsigaw at pagtindig upang ipaglaban ang ating mga karapatan.
Hindi tayo dapat kailanman manahamik. Bagkus ating panghawakan ang galit sa isang bulok na sistemang kailanman ay hindi tayo inuna, gawin natin itong lakas at makipagkaisa tayo sa sangkaestudyantehan sa muling pagtaas ng ating mga kamao at pagpapahayag ng ating mga hinaing.
Kaya ngayong ika-4 ng Agosto, sa ganap na ika-2:30 ng hapon, halina't magsuot ng p**a upang maipahayag ang galit at paninindigan sa laban, at magkita-kita sa HUM Steps upang makiisa at makibaka para sa seguridad ng kaligtasan, tunay na pagkilala sa mga karapatan, at pantay na pagtingin sa lahat ng tao na nasa ating lipunan.