12/06/2026
Ngayong araw ng Hunyo 12, inaalala natin ang kalayaan na nakamit ng rebolusyon ni Bonifacio katapos ng mahigit tatlong siglong pananakop ng mga kastila.
Bagama’t nagwagi ang kanilang rebolusyon noon, hindi parin natatapos ang laban ng mamamayang Pilipino. Sinundan ito ng malakolonyal na pananakop ng imperyalistang US at hanggang sa kasalukuyan ay lantad parin ang pagka-sunudsunuran ng estado sa mga dayuhang kapangyarihan.
Lantad rin na hinahayaan ng pamahalaan ang pagkamkam ng imperyalistang US at mga dayuhang korporasyon sa mga likas na yaman ng ating bansa. Patuloy ring pinahihintulutan ng estado na kontrolin ng mga dayuhan ang ekonomiya ng bansa at presensya ng mga militar ng US sa ating bansa.
Habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin at pabulusok ang antas ng pamumuhay sa bansa, inuuna parin ng rehimeng Marcos at Duterte ang interes ng dayuhan at sariling kapakanan kaysa ibigay ang tunay kalayaan sa mamamayan.
Gawa nito, patuloy ang mga protesta ng iba’t-ibang mga progresibong grupo ng bansa para sa tunay na kalayaan.
Nakikiisa ang UP Silakbo sa mga panawagang panagutin ang mga tiwali at ipaglaban ang isang bansang may tunay na kalayaan, katarungan, at pagsilbi sa mamamayan. Ang tunay na pambansang kalayaan ay matatamo sa pagpapabagsak ng mga sistemang nagpapanatili sa kahirapan ng ating mga mamamayan!
Sa araw ng Hunyo 12, sama-sama nating igiit ang tunay na kalayaan at kumilos laban sa mga tunay na nagpapahirap sa ating bansa !
𝓘𝓼𝓾𝓵𝓸𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓶𝓫𝓪𝓷𝓼𝓪𝓷𝓰 𝓭𝓮𝓶𝓸𝓴𝓻𝓪𝓼𝔂𝓪!
𝓢𝓾𝓶𝓪𝓶𝓪 𝓼𝓪 𝓹𝓪𝓰𝓴𝓲𝓵𝓸𝓼!