23/10/2026
“Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko.” 🌾
Sa kabila ng mahalagang ambag ng mga magsasaka sa seguridad sa pagkain, patuloy silang humaharap sa kahirapan, kawalan ng sariling lupa, at kakulangan sa suportang pinansyal at teknikal. Sa ngalan ng kaunlaran, hindi rin dapat maisakripisyo ang kanilang mga sakahan at kabuhayan.
Ngayong Buwan ng mga Pesante, kaisa ang UP Mindoreños sa panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, makatarungang kabuhayan, at konkretong programang magtitiyak sa karapatan at kapakanan ng mga magsasaka. Ang kaunlaran ay hindi dapat maging kapalit ng seguridad sa pagkain—dapat itong magpatibay sa ating agrikultura at magbigay-katarungan sa mga tunay na nagpapakain sa bayan.
Panahon nang itindig ang kanilang mga karapatan. Uring magsasaka, pangunahing puwersa! ✊🏻