Municipal Children's Association of Los Baños

Municipal Children's Association of Los Baños The Official Page of Municipal Children's Association of Los Baños

Behind this achievement is a heart that has always chosen to serve, love, and inspire others. 💙Congratulations to our be...
26/06/2026

Behind this achievement is a heart that has always chosen to serve, love, and inspire others. 💙

Congratulations to our beloved Adult Support and Ate by Heart!

Ms. Sheilah Mae Callo-Daileg
Bachelor of Science in Social Work, Batch 2026

We are incredibly proud of you and grateful to have you as part of our journey. May you continue to be a light for the children!

Congratulations! Your Municipal Children's Association family loves and celebrates you always. 🎓✨



The Municipal Children’s Association of Los Baños together with the Municipal Children’s Association in Children with Di...
20/05/2026

The Municipal Children’s Association of Los Baños together with the Municipal Children’s Association in Children with Disabilities, and the MSWDO of Los Baños participated in the Provincial Advocacy Camp of Children held on May 19–20, 2026 at The Hamptons Mountain Lake Resort, Cavinti, Laguna.

The activity gathered young leaders from different municipalities across Laguna to strengthen awareness on children’s rights, youth participation, leadership, and empowerment. Through interactive discussions, team-building activities, and advocacy sessions, the participants were encouraged to become active partners in building child-friendly and inclusive communities.

The participation of Los Baños delegates reflects the municipality’s continuous commitment to promoting the welfare, protection, development, and participation of every child, including children with disabilities.







𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙪𝙥𝙪𝙜𝙖𝙮 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧!Malugod naming binabati ang isa sa mga kasalukuyang MCA representative at BCA Batong ...
09/04/2026

𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙜𝙥𝙪𝙥𝙪𝙜𝙖𝙮 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧!

Malugod naming binabati ang isa sa mga kasalukuyang MCA representative at BCA Batong Malake President sa kaniyang pagpasa sa pagsusulit ng 𝙐𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙞𝙩𝙮 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙋𝙝𝙞𝙡𝙞𝙥𝙥𝙞𝙣𝙚𝙨 - 𝙍𝙪𝙧𝙖𝙡 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙖𝙩 𝙋𝙝𝙞𝙡𝙞𝙥𝙥𝙞𝙣𝙚 𝙎𝙘𝙞𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 - 𝘾𝙖𝙡𝙖𝙗𝙖𝙧𝙯𝙤𝙣 𝘾𝙖𝙢𝙥𝙪𝙨. Ang dalawang nasabing paaralan ay kilala sa pagiging pandayan ng mga susunod na haligi ng ating lipunan.

𝑴𝒖𝒍𝒊, 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒖𝒑𝒖𝒈𝒂𝒚, 𝑰𝒔𝒌𝒐𝒍𝒂𝒓 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏! ✊

mula sa iyong,
𝑀𝒞𝒜 𝐹𝒶𝓂𝒾𝓁𝓎

𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙪𝙥𝙪𝙜𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧!Ang pagkakaroon ng isang mahusay, maganda, at dekalidad na edukasyon ay isa sa mg...
03/04/2026

𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙪𝙥𝙪𝙜𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙙𝙚𝙧!

Ang pagkakaroon ng isang mahusay, maganda, at dekalidad na edukasyon ay isa sa mga kinakailangan na tinatamasa ng isang bata sa buong mundo alinsunod sa Artikulo 28 at 29 ng United Nations Convention on the Rights of the Children (UNCRC). Sa pamamagitan nito maipapamalas ng mga bata ang kanilang paglago, makalahok sa mga gawaing tungkol sa kanila, at matulungan ng pamahalaan sa kahit na anong paraan.

At isa na namang makabuluhang taong panuruan ang nagtapos. Mga buwang napuno ng mga ala-ala, halakhak, iyak, at marami pang iba. May mga nabuong pagkakaibigan at meron din namang natapos. Sa kabila nito, isa lang ang sigurado, may yugto na nagtapos at may bagong magsisimula.

Kaya naman malugod naming binabati ang mga opisyales ng Municipal Children’s Association of Los Baños na nagkamit ng karangalan, naglipat-antas, at nagtapos. Sila ay nagpakita ng kanilang angking dedikayon at pagpupursige sa pag-aaral. Nawa ay magsilbi silang inspirasyon sa mga kapwa nila batang Los Bañense.

“𝑨𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒃𝒂𝒕𝒂 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒖𝒕𝒐, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒌𝒖𝒉𝒂 𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒂𝒅𝒐, 𝒌𝒖𝒏𝒅𝒊 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕𝒂𝒐, 𝒕𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒐, 𝒂𝒕 𝒓𝒆𝒔𝒑𝒆𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒘𝒂 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏.”

𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝒷𝒶𝓉𝒶, 𝓅𝒶𝓇𝒶 𝓈𝒶 𝒷𝒶𝓎𝒶𝓃!✊

Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na training na may temang “Strengthening Local Response to Violence Against Wo...
01/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na training na may temang “Strengthening Local Response to Violence Against Women and Children” nitong Marso 30–31, 2026 sa Amazing View, Mabitac, Laguna.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng LCAT-VAWC, Local Council for the Protection of Children (LCPC) at BCPC Focal Person ng bawat barangay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programa at mekanismo laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan.

Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang mahahalagang paksa tulad ng pag-unawa sa gender, power, at violence; gender-fair language at SOGIESC; legal framework on VAWC; survivor-centered at rights-based case handling; barangay VAW desk protocols at documentation; at mga best practices sa pagtugon sa mga kaso sa komunidad.

Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang bayan sa mga nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa aktibidad na sina Dir. Roselle Collado, Head ng UPLB Gender Center; Ms. Sairah Mae Saipudin, University Research Associate ng UPLB Gender Center; Mr. Renato Dumagco ng UPLB Office of Anti-Sexual Harassment; at Ms. Genesis Giselle Baseleres ng UPLB. Naging katuwang din ang mga kinatawan ng UPLB Gender Center na sina Ms. Maria Christina Padua, Mr. Jimboy Altoveros, Mr. Ken Mandap, at Ms. Collien Saludo.

Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ng MSWDO sa pamumuno ni Ms. Hanna Erika Laviña, katuwang ang Gender and Development (GAD) Office sa pamumuno ni Ms. Karen Mercado. Dumalo rin si Hon. Councilor Leren Mae Bautista, Chairperson ng Committee on Women and Family at ng buong miyembro ng LCAT-VAWC Council, bilang suporta sa adhikaing ito.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kanilang pangako na protektahan ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng bawat kababaihan at kabataan. 💜🌿




Pinangunahan ng ating butihing Mayor Neil Andrew N. Nocon ang 4th Quarter Meeting ng Municipal Council for the Protectio...
05/12/2025

Pinangunahan ng ating butihing Mayor Neil Andrew N. Nocon ang 4th Quarter Meeting ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) at ng Local Committee Against Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) nitong December 4, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Conference Hall.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang implementasyon ng Republic Act No. 11930, kilala bilang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act, at ang Presentation of the 2025 Accomplishment Report, kung saan ipinakita ang mga tagumpay, programa, at kolektibong pagsisikap ng Pamahalaang Lokal, iba’t ibang ahensya, at mga barangay upang higit pang pagtibayin ang pagtugon sa proteksyon ng kabataan at kababaihan laban sa karahasan at pang-aabuso.

Katuwang ang iba’t ibang sektor, nananatiling matatag ang lokal na Pamahalaan sa hangaring isulong ang isang mas ligtas, mas maaasahan, at mas mapagkalingang bayan para sa bawat pamilyang Los Bañense.





Address

Los Baños, Laguna
Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Children's Association of Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share