27/08/2026
Dinaluhan ng mahigit 𝗮𝗻𝗶𝗺𝗻𝗮𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗶𝗿 ang isinagawang 𝐔𝐏𝐎𝐔 𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐧𝐮𝐧𝐠ó𝐝 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫𝐬’ 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 sa Zoom noong ika-25 ng Agosto 2026.
Bitbit ang temang “𝐓𝐚𝐨 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨, 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐬𝐨,” naging paalala ang pagtitipon na sa dulo ng bawat programang ating isinasagawa, bawat klaseng ating tinuturuan, bawat materyal na ating binubuo, at bawat oras na ating inilalaan bilang boluntir ay 𝗺𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝘂𝗿𝗮𝗻.
Nagbahagi rin ng mensahe ng panghihikayat si 𝗕𝗯. 𝗔𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘀𝗶𝗴𝗮𝗻, isang boluntir ng UPOU Ugnayan ng Pahinungód at dating Overseas Filipino Worker (OFW), para sa mga bagong boluntir:
“Marami na rin po akong narating at mga bagay na sig**o ay kapuri-puri bilang g**o. Pero ang masasabi ko lang po sa inyo, ang biggest achievement ko po ay ang pag-join sa Ugnayan ng Pahinungod dahil ito po ang nagbigay sa akin ng inspirasyon at confirmation na my decision of 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒄𝒌 𝒉𝒐𝒎𝒆 𝒊𝒔 𝒂𝒍𝒍 𝒘𝒐𝒓𝒕𝒉 𝒊𝒕.”
Ang 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿𝘀’ 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ang huling bahagi ng proseso bago maging ganap na Pahinungód boluntir ang mga indibidwal na nagpahayag ng kanilang interes na maglingkod.
Sa pagtatapos ng oryentasyon, mas malinaw na hindi lamang ito tungkol sa simpleng pagbibigay ng oras at kakayahan—ito ay tungkol sa mas malalim na 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝘀𝗼.
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐔𝐏𝐎𝐔 𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐡𝐢𝐧𝐮𝐧𝐠ó𝐝, 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐢𝐫!
Lagi't lagi, makibahagi, maglingkod, at mag-Pahinungód.