22/10/2026
๐๐จ๐ฃ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐, ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฆ๐!
Ngayong buwan ng Oktubre, binibigyang-pugay natin ang mga kamay na siyang dahilan ng mga pagkaing nakahain sa ating hapag. Mga simbolo ng pawis na dumidilig sa lupa, mga palad na humuhubog sa ani, at mga sakripisyong patuloy na bumubuhay sa bayan.
Bilang pangunahing pwersa ng ating bansa at nagsisilbing haligi ng nasyon, mga pesante ang
pangunahing pwersa ng ating bansaโang pinakamalaking sektor ng lipunan na siyang mga tagapag-ani ng ating pagkain sa hapag. Sa bawat agarang paggising para pumalaot o magbungkal, ay dugo, pawis, at sakripisyo ang inilalaan nila upang mapakain ang masa.
Ngunit habang ating kinikilala ang dalisay na kagalingan ng ating mga magsasaka at mangingisda, marapat din nating alalahanin ang kalunos-lunos na kabalintunaan ng kasalukuyang lagay ng mga masang anakpawis. Sapagkat nakapanlulumo na kung sino pa ang nagbubungkal ng malalawak na lupain upang magpakain sa bansa, ay sila pa ang salat sa pagkain, pinagkakaitan, at ginigipit sa sarili nilang lupa. Ang kanilang pakikibaka para sa lupa ay isang pagtutol sa sistemang mapang-api upang makuha ng masang pesante ang patas na pagkilala at karapatang matagal nang ipinagkakait sa kanila.
Kaya naman ang UP Photographersโ Society ay nakikiisa sa patuloy na pakikibaka ng mga manggagawang bukid, magsasaka, at mangingisdaโmga pesanteng patuloy na nagsisikap at nagsasakripisyo para sa lipunang kumikilala sa kanilang mga karapatan at kahalagahan sa nasyon. Dahil walang tinapay ang mesa kung hindi mag-aalsa ang masa.
Narito ang mga larawang kuha ng UP Photographers' Society na nagpapatunay sa giting at pakikibaka ng masang anakpawis.
Pesante, Mabuhay Ka!
Cover from ๐ธ: Litratista Ky