23/10/2026
𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 | 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗠𝗕𝗟𝗬 𝗗𝗔𝗬 - 𝟮𝗡𝗗 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗖𝗬 𝟮𝟬𝟮𝟲
Ang bawat tinig ay mahalaga, at ang bawat mamamayan ay may papel sa pag-unlad ng ating barangay! 🤝💙
Inaanyayahan ang lahat ng mga residente ng Barangay Malinta, Los Baños, Laguna na dumalo sa ating Barangay Assembly Day para sa Ikalawang Semestre ng Taong 2026.
📌 𝗧𝗘𝗠𝗔:
"𝘛𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘈𝘴𝘴𝘦𝘮𝘣𝘭𝘺! 𝘕𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘛𝘪𝘯𝘪𝘨, 𝘔𝘢𝘬𝘢𝘣𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘜𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘚𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘈𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘒𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥. "
📅 𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: Oktubre 24, 2026 (Sabado)
🕓 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻: 4:00 PM
🕔 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮: 5:00 PM
📍 𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿: Malinta Activity Area
Layunin ng pagtitipong ito na maibahagi ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa, proyekto, at gawain ng ating barangay, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mamamayan na magpahayag ng saloobin, mungkahi, at katanungan para sa ikabubuti ng ating komunidad.
💚 Ang aktibong pakikilahok ng bawat isa ay susi sa isang maunlad, maayos, at nagkakaisang Barangay Malinta!
Kaya naman, mga kabarangay, TARA NA! MAKIALAM, MAKIBAHAGI, AT MAKISANGKOT! Sama-sama nating itaguyod ang isang mas matatag at mas progresibong barangay.
Kita-kits po tayo, mga kabarangay! 🙌