UP Caballeros

UP Caballeros The UP Caballeros is the Official Socio-Civic and Varsitarian Organization of Batangueños in (UPLB) University of the Philippines- Los Baños.

It is founded in November 09, 1980 and it has an unbroken and singular association with the premier university.

𝘕𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺🍞 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢𝘮𝘯𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘦𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘬𝘰☕ 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘦𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘒𝘢𝘣𝘺 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝙊𝙧𝙜𝙖𝙣𝙞𝙯𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙁...
04/08/2026

𝘕𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘺🍞 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢𝘮𝘯𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘦𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘬𝘰☕ 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘦𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘒𝘢𝘣𝘺 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝙊𝙧𝙜𝙖𝙣𝙞𝙯𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙁𝙖𝙞𝙧 2026!

Bagong iskolar ka man🌻o hindi😝, halina't magpakabusog😋 at magpakasaya🥳 dine sa Kaby's Cafe! 🙈

Bubuksan nang muli ire sa 𝗶𝗸𝗮-𝟲 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟵:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟳:𝟬𝟬 𝗣𝗠, dine laang naman sa 𝙁𝙧𝙚𝙚𝙙𝙤𝙢 𝙋𝙖𝙧𝙠🍃.

Makidayo🏃, makihiyaw📣, at makigulo😵💫 sa inyong mga kapwa iskolar ng bayan at mga kapwa-Batangueño🤟!

Makita laang kayong busog ni Kaby ay masayang-masaya na raw siya eh🥺!



Bago pa man ganap na magsimula ang panibagong semestre, isang napakalaking inspirasyon at magandang balita ang hindi dap...
04/08/2026

Bago pa man ganap na magsimula ang panibagong semestre, isang napakalaking inspirasyon at magandang balita ang hindi dapat makalimutan! 🌟

Taos-puso at buong-giting na binabati ng 𝗨𝗣 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗹𝗹𝗲𝗿𝗼𝘀 ang ating mga bagong 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗠𝗶𝗰𝗿𝗼𝗯𝗶𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝘀𝘁𝘀 (𝗥𝗠𝗶𝗰𝗿𝗼) na matagumpay na pumasa sa katatapos lamang na 𝗣𝗔𝗠 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗘𝘅𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗠𝗶𝗰𝗿𝗼𝗯𝗶𝗼𝗹𝗼𝗴𝗶𝘀𝘁 noong 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲! 🥳🥼✨

Mula sa 𝟴𝟭𝟯 na sumabak sa masusing pagsusulit sa buong bansa, dalawa sa ating mga minamahal na Brods at Sisses ang opisyal na pumasok sa 𝟯𝟯𝟯 na hinirang na mga bagong microbiologists!

Isang napakalaking pagpupugay at espesyal na pagbati kay 𝗦𝗶𝘀 𝗤𝘂𝗶𝗻𝗰𝗲𝗲 𝗕𝗲𝗮𝘁𝗿𝗶𝗰𝗲 𝗔. 𝗗𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 mula sa 𝗕𝗮𝘁𝗰𝗵 𝗛𝘂𝗻𝘁𝗮 '𝟮𝟰 sa kaniyang kamangha-manghang pagtatala bilang 𝐓𝐎𝐏 𝟏 sa buong bansa! 🏆🥇🎉

Ang natatanging tagumpay na ito ay patunay ng inyong walang-sawang sipag, husay, at dedikasyon sa larangan ng agham. Nagbibigay ito ng napakalaking karangalan hindi lamang sa inyong mga sarili, kundi maging sa UP Los Baños at sa buong pamilya ng UP Caballeros. 🏅🥂

Muli, ang ating pinakamainit na pagbati sa inyo! Nawa’y magpatuloy ang inyong tagumpay at patuloy kayong maging inspirasyon at ehemplo para sa ating mga Iskolar ng Bayan. 🙌❤️

Sa pagpasok ng isa na namang panibagong semestre sa pamantasan 🎓✨, pwede ga namang makalimutan ang mga natamong karangal...
04/08/2026

Sa pagpasok ng isa na namang panibagong semestre sa pamantasan 🎓✨, pwede ga namang makalimutan ang mga natamong karangalan ng ating mga Brods at Sisses? Aba’y syempre hinde papayag si Kaby! 😤🔥

Isang mainit na pagbati sa ating mga residenteng patuloy na nagpapamalas ng natatanging husay at galing sa larangan ng akademya! 💯🎉

🏅 𝐇𝐎𝐍𝐎𝐑 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐄𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒
Saludo sa ating residenteng nominado sa prestihiyosong Honor Society of the Philippines—isang pagkilala na ibinibigay lamang sa Top 10% ng graduating seniors at Top 7.5% ng junior students! 📚✨

📊 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐄𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐀𝐂𝐓𝐔𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒 (𝐒𝐎𝐀) 𝐄𝐗𝐀𝐌 𝐏𝐀𝐒𝐒𝐄𝐑𝐒
Isang inspirasyon din ang ating resident member matapos mapagtagumpayan ang masusungit na Exam P (Probability) at Exam FM (Financial Mathematics) ng Society of Actuaries habang nag-aaral pa sa pamantasan! 🧮🧠

Talagang kahit saan ay may taglay na angas 😎 at galing 🌟, kaya hindi na magtatakang mga Caballero are! ❤️

Kasama ninyo ang UP Caballeros sa pagdiriwang ng resulta ng inyong puyat, sipag, at tiyaga. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad, napatunayan ninyo muli ang inyong kalibre. Huwag kalimutang tapikin ang inyong mga balikat at batiin ang sarili sa panibagong milestone na ito! 👏🏆

Lagi ninyong kasama si Kaby sa lahat ng inyong mga tatahakin pa! Mawala na ang lahat, ‘wag laang ang husay, dangal, at serbisyo sa bayan! ❤️💚 Isama mo na rin ang kaunting yabang! 😏🤭

Buong puso ninyong ipinamalas ang tunay na diwa ng paglilingkod, pamumuno, at dedikasyon para sa UP Caballeros. Sa bawat...
01/08/2026

Buong puso ninyong ipinamalas ang tunay na diwa ng paglilingkod, pamumuno, at dedikasyon para sa UP Caballeros. Sa bawat hamon na inyong hinarap at bawat tagumpay na ating ipinagdiwang, naging bahagi kayo ng patuloy na paghubog at pagpapalakas ng ating organisasyon.

Bilang pasasalamat, nais naming kilalanin at bigyang-pugay ang inyong hindi matatawarang ambag sa ating samahan.

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐔𝐏 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨𝐬 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐀.𝐘. '𝟐𝟓–'𝟐𝟔!

𝐊𝐚𝐫𝐥 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐝𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚 | 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞𝐫𝐨 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨
𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐏𝐨𝐨𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐢𝐚 | 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞𝐫𝐚 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥
𝐌𝐢𝐤𝐤𝐚 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐚𝐨 | 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞𝐫𝐨 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐄𝐱𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥
𝐄𝐦𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐧𝐳 𝐁𝐫𝐢𝐨𝐧𝐞𝐬 | 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐞𝐫𝐨 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐄𝐱𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥
𝐒𝐞𝐛𝐚𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐀𝐥𝐝𝐫𝐢𝐧 𝐋𝐞𝐯𝐢𝐝𝐚 | 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐢𝐨
𝐊𝐚𝐫𝐲𝐥𝐥 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 | 𝐓𝐞𝐬𝐨𝐫𝐞𝐫𝐨
𝐋𝐚𝐫𝐫𝐚 𝐌𝐚𝐲𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐂𝐨𝐫𝐧𝐞𝐣𝐨 | 𝐅𝐮𝐧𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐑𝐞𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜𝐨
𝐊𝐢𝐚𝐧𝐧𝐚𝐡 𝐀𝐫𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐓𝐞𝐧𝐨𝐫𝐢𝐨 | 𝐅𝐮𝐧𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐫𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐑𝐞𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐞𝐧𝐬𝐚
𝐇𝐞𝐧𝐫𝐢𝐜𝐤 𝐃𝐮𝐞ñ𝐚𝐬 | 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐬𝐜𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐥
𝐂𝐲𝐫𝐮𝐬 𝐈𝐯𝐚𝐧𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐢 𝐑𝐞𝐲𝐞𝐬 | 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐬𝐜𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐥
𝐀𝐥𝐝𝐫𝐢𝐜𝐡 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 | 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐬𝐜𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐒𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬

Magsisilbi kayong inspirasyon sa mga susunod pang lider na magpapatuloy sa pamana ng UP Caballeros. Mabuhay kayo, at maraming salamat sa inyong paglilingkod! ✊❤️💚


Tuwing buwan ng Hulyo ay ginugunita sa ating bansa ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗜𝗩 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 bilang paalala na ang laban kontra H...
30/07/2026

Tuwing buwan ng Hulyo ay ginugunita sa ating bansa ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗜𝗩 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 bilang paalala na ang laban kontra Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay hindi lamang usapin ng kalusugan, kundi usapin din ng karapatang pantao at pagkakapantay-pantay. Sa kabila ng patuloy na pag-unlad ng medisina at paglawak ng impormasyon, nananatiling laganap ang diskriminasyon at stigma laban sa mga taong may HIV. Ang mga maling paniniwala at mapanghusgang pananaw na matagal nang hinubog ng ating lipunan ay patuloy na nagiging hadlang upang maraming indibidwal ang magpasuri, magpagamot, at humingi ng kinakailangang suporta.

Kamakailan lamang ay naitala ng Department of Health ang humigit-kumulang apat na libong bagong kaso ng HIV sa unang apat na buwan ng 2026. Ang datos na ito ay malinaw na paalala na nananatiling isang seryosong usaping pangkalusugan ang HIV sa bansa. Gayunpaman, hindi sapat ang pagtukoy sa tumataas na bilang ng mga kaso kung hindi rin matutugunan ang mga sistemikong suliraning nagpapalala rito. Ang tunay na tugon ay nakabatay sa siyensya at pananagutan ng mga institusyon. Nangangahulugan ito ng pagpapalawak ng libreng HIV testing, maagap na gamutan, tuloy-tuloy na akses sa antiretroviral therapy, at pagpapatibay ng mga programang nagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at walang kinikilingang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Sa paggunita ng National HIV Awareness Month, nakikiisa ang UP Caballeros sa pagpapaigting ng mga adbokasiyang nagsusulong ng wastong impormasyon, pantay na akses sa serbisyong pangkalusugan, at lipunang malaya sa diskriminasyon. Ang pagkakaisa, kamalayan, at pagkilos ang ating pinakamabisang sandata upang wakasan hindi lamang ang pagkalat ng HIV, kundi pati na rin ang stigma at hindi pagkakapantay-pantay na patuloy na bumabalot dito.

𝗪𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗶𝗴𝗺𝗮. 𝗜𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁. 🩺




Source:
https://pia.gov.ph/news/ph-reports-4633-new-hiv-cases-in-first-quarter-of-2026-awareness-campaign-promotes-prevention/

At magpapasukan na naman muli 🎓, ay aari gang mapapalagpas ang gilas na ipinakita ng ating mga Brods and Sisses sa nagda...
29/07/2026

At magpapasukan na naman muli 🎓, ay aari gang mapapalagpas ang gilas na ipinakita ng ating mga Brods and Sisses sa nagdaang semestre?🏅 Aba’y hinde yan tatagos kay Kaby! 😤

Isang mainit na pagbati sa mga residente ng UP Caballeros na nagpamalas ng kahusayan sa ikalawang semestre ng Taong Panuruan 2025 - 2026! 📚 Ay diyaan pa laang ay kakikitaan na ang pagka Barako ng mga are! ❤️

Kasama ninyo ang UP Caballeros sa pagdiriwang ng nakamamanghang resulta ng inyong pagpupursigi sa pag-aaral! 🤝 📖 Sa dinami-dami ba naman ng mga aktibidad at responsibilidad na sila ring humubog sa inyong husay at serbisyo, atin ring bigyang pugay ang mga sarili sa isa na namang makabuluhang semestre👏🏆

Lagi ninyong kasama si Kaby sa lahat ng inyong paglilibot sa malawak na mundo, sa bawat paglipad man o paglapag! 🛫 Mawala na ang lahat, ‘wag laang ang husay, dangal, at serbisyo sa bayan! ❤️💚 Isama mo na rin ang kaunting yabang! 😏🤭


28/07/2026
Ngayong Hulyo 23, ginugunita ang ika-162 na kaarawan ng dakilang anak ng Tanauan, Batangas at tinaguriang “𝙐𝙩𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙢𝙖𝙜...
23/07/2026

Ngayong Hulyo 23, ginugunita ang ika-162 na kaarawan ng dakilang anak ng Tanauan, Batangas at tinaguriang “𝙐𝙩𝙖𝙠 𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙢𝙖𝙜𝙨𝙞𝙠𝙖𝙣” na si 𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿𝗶𝗼 “𝗞𝗮-𝗣𝘂𝗹𝗲” 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗻𝗶. Bilang pangunahing tagapayo ni Pangulong Emilio Aguinaldo at nagsilbing Punong Ministro, naging mahalagang tinig siya sa paghubog ng isang mapagpalaya, makatarungan, at may pananagutang pamahalaan. Sa kabila ng kanyang kapansanan, napatunayan niyang ang tunay na pamumuno ay nasusukat sa talino, prinsipyo, at pagmamalasakit sa bayan.

Sa kanyang 𝙀𝙡 𝙑𝙚𝙧𝙙𝙖𝙙𝙚𝙧𝙤 𝘿𝙚𝙘𝙖𝙡𝙤𝙜𝙤 (Ang Tunay na Dekalogo), binigyang-diin ni Mabini na ang pag-ibig sa bayan ay dapat maisabuhay sa pamamagitan ng konsensya, katwiran, at tapat na pagtupad sa tungkulin. Ang kanyang paninindigan sa mabuting pamamahala at dignidad ng bawat Pilipino ay nananatiling mahalaga hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa panahong higit nating kailangan ang mga mamamayan at pinunong inuuna ang katotohanan, integridad, at kapakanan ng sambayanan.

Patuloy na ipinagmamalaki ng UP Caballeros ang pamana ni Ka-Pule bilang huwaran ng makabayang pamumuno at paglilingkod. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kaniyang buhay at mga simulain upang patuloy nating isulong ang katotohanan, pananagutan, at pagmamahal sa bayan.

𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗶 𝗞𝗮-𝗣𝘂𝗹𝗲!




Sanggunian: https://upd.edu.ph/mabini-the-voice-of-the-philippines-2/

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢, 𝐁𝐫𝐨𝐝𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐢𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🎓Masaya at punong-puno ng pagmamalaki ang puso ng 𝐔𝐏 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨𝐬 para sa atin...
10/07/2026

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢, 𝐁𝐫𝐨𝐝𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐢𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🎓

Masaya at punong-puno ng pagmamalaki ang puso ng 𝐔𝐏 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐨𝐬 para sa ating mga Brods at Sisses na nagtapos nitong July 4, 2026, sa ika-54 na Commencement Exercises ng UPLB. Saksi ang bawat sulok ng ating tambayan sa inyong sipag, sa mga gabing walang tulog, at sa lahat ng sakripisyong hinarap ninyo nang may ngiti upang marating ang araw na ito 🌻.

Higit sa lahat, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagmamahal at tapat na serbisyo sa ating organisasyon. Habang binabaybay ninyo ang bagong landas sa labas ng unibersidad, baon ninyo ang talino at pusong handang magsilbi at manindigan para sa ating bayan. Bahagi kayo ng kwento at ng kasalukuyan ng ating kapatiran ❤️💛💚.

𝙈𝙪𝙡𝙞, 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙩𝙞, 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙖𝙨, 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙩𝙞𝙧𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣! ✊


Buong tiwala at paninindigan ang ibinibigay ng UP Caballeros para sa aming brod na si brod 𝘼𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙆𝙞𝙢 "𝘼𝙆" 𝙂. 𝘿𝙀𝙇𝙊𝙎 𝙎𝘼𝙉𝙏𝙊...
29/06/2026

Buong tiwala at paninindigan ang ibinibigay ng UP Caballeros para sa aming brod na si brod 𝘼𝙚𝙧𝙤𝙣 𝙆𝙞𝙢 "𝘼𝙆" 𝙂. 𝘿𝙀𝙇𝙊𝙎 𝙎𝘼𝙉𝙏𝙊𝙎 ng College of Medicine bilang susunod na 𝘊𝘰𝘶𝘯𝘤𝘪𝘭𝘰𝘳 𝘧𝘰𝘳 𝘎𝘦𝘯𝘥𝘦𝘳, 𝘊𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘦, 𝘢𝘯𝘥 𝘈𝘳𝘵𝘴 sa darating na UPM University Student Council Elections.

Saksi ang aming organisasyon sa karakter at pamumuno ni Brod AK, at bilang isang Caballero ay aming napatunayan ang kanyang walang sawang dedikasyon sa paglilingkod. Naniniwala kami sa kanyang kakayahang isulong ang isang komunidad na kumikilala at gumagalang sa lahat ng pagkakakilanlan, lalo na sa patuloy na pagsusulong ng ligtas at inklusibong espasyo para sa LGBTQIA+ community. Kasabay nito, buo ang aming pagtitiwala na siya ang magbubukas at magiging tulay upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa ng sangkaestudyantehan at komunidad sa larangan ng kultura at sining. Sa kanyang pamumuno, nakikita namin ang isang konsehong may paninindigan at tunay na nagsisilbi para sa lahat.

📢 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘆𝗮, 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗲𝗲𝗻𝗱𝗼𝗿𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗹𝗹𝗲𝗿𝗼𝘀 𝘀𝗶 𝗕𝗿𝗼𝗱 𝗔𝗞 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗖𝗔 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗨𝗣𝗠 𝗨𝗦𝗖. Naniniwala kaming ang kanyang mga 𝘼𝙆𝙨𝙮𝙤𝙣 ang magiging tunay na 𝙠𝙖-𝘼𝙆𝙗𝙖𝙮 ng bawat iskolar ng bayan sa pagsusulong ng isang pamantasang inklusibo, may pagpapahalaga sa kultura at sining, at may matatag na paninindigan para sa pagkakapantay-pantay.

𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗹𝗮𝘃𝗮𝗿𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆, 𝘀𝗶 𝗔𝗞 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮-𝗔𝗞𝗯𝗮𝘆. 🌈✨️









Address

Los Baños

Telephone

+639159786656

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Caballeros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP Caballeros:

Shortcuts

Share