04/09/2025
MAKIISA SA MUNICIPAL WIDE CLEAN-UP DRIVE! ♻️🌍
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Environmental Health Day 2025, magsasagawa ang Bayan ng Lopez, sa pangunguna ng Municipal Health Office, ng Municipal Wide Clean-Up Drive sa darating na SEPTEMBER 5, 2025 (Biyernes), 7:00 AM - 10:00 AM.
Makikiisa dito ang lahat ng 95 barangay, katuwang ang PNP, BFP, MDRRMO, at mga paaralan upang sama-samang linisin ang ating mga barangay halls, paaralan, pamilihan, terminal, sementeryo, kanal, kalsada, at iba pang pampublikong pook.
Inaanyayahan namin ang lahat ng organisasyon at sektor na makibahagi sa gawaing ito para sa isang malinis at masiglang Lopez!
Huwag kalimutan ang attendance sheet at before & after photos ng inyong paglilinis at ipasa ito sa staff ng Municipal Health Office para sa kabuuang ulat ng Lokal na Pamahalaan.
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa Pambayang Sanidad, G. Avegel Arroyo sa 0908-711-6497.
💚 The YECS will also participate in this activity.