Bili na ng Stingless Bees Quezon Province, may Free Online Konsulta

Bili na ng Stingless Bees Quezon Province, may Free Online Konsulta Gusto mo bang palaguin ang iyong taniman nang natural at ligtas? Mag-Lukot na!

May Available Pa Po Tayo Hives. PM lang sa gusto. :)
25/09/2025

May Available Pa Po Tayo Hives. PM lang sa gusto. :)

Another set of stingless bee hive sold. Thank you for the trust. :)
16/04/2025

Another set of stingless bee hive sold. Thank you for the trust. :)

11/04/2025

Bakit Mas Maganda ang Stingless Bees (Kiwot/Likot) Kumpara sa Honey Bees at Apis Cerana or Ligwan/Laywan?

Mas mainam ang stingless bees kaysa sa honey bees at Apis cerana dahil sa mga sumusunod na dahilan:

A.Mas Malakas na Proteksyon Laban sa Bakterya

Ang pulot mula sa stingless bees ay mas epektibo laban sa mga mikrobyo. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang kanilang pulot ay nakakatulong labanan ang mga sakit na dulot ng bakterya tulad ng Staphylococcus aureus at E. coli. Ito ay nangangahulugang mas ligtas ito para sa ating kalusugan at makakatulong pa sa pagpapagaling ng sugat.

B. Masustansyang Nilalaman
Ang pulot ng stingless bees ay puno ng natural na asukal, antioxidants, at iba pang nutrients na mabuti para sa katawan. Ang mga sangkap na ito ay tumutulong upang labanan ang stress at iba pang sakit, kaya mas nakabubuti ito kumpara sa ibang uri ng pulot.

C. Sustainable o Napapanatiling Pamamaraan ng Pag-aani
Karaniwan, ang mga stingless bees ay inaalagaan gamit ang mga pamamaraang hindi nakakasira sa kalikasan. Sa ganitong paraan, napapanatili ang kanilang tirahan at tumutulong ito sa pagkakaiba-iba ng mga halaman at hayop sa paligid. Sa kabaligtaran, madalas na nagiging sanhi ng pinsala sa kalikasan ang malakihang produksyon ng pulot mula sa honey bees.

D. Natanging Lasa
Ang pulot mula sa stingless bees ay may kakaibang lasa na maaaring mas maasim o tangy kumpara sa karaniwang pulot mula sa honey bees. Ito ay dahil kinokolekta nila ang nektar mula sa iba't ibang uri ng bulaklak, kaya nagiging mas masarap at natatangi ang kanilang produkto.

E.
Mas Iba't Ibang Bacteria
Ayon sa mga pag-aaral, ang pulot mula sa stingless bees ay may mas maraming uri ng bacteria kumpara sa honey mula sa honey bees. Ang pagkakaroon ng iba't ibang bacteria ay maaaring magdagdag pa ng benepisyo para sa ating kalusugan.

Conclusion/Panghuli:

Sa kabuuan, mas maganda ang stingless bees dahil sila ay may mataas na proteksyon laban sa bakterya, masustansyang nilalaman, sustainable na pamamaraan ng pag-aani, natatanging lasa, at mas maraming uri ng bacteria na nakabubuti para sa kalusugan.

Pagkakaiba ng European Honey Bee at Native Stingless Bees1. Nananakit ba?European Honey Bee – May sting (tinik) at kayan...
10/04/2025

Pagkakaiba ng European Honey Bee at Native Stingless Bees

1. Nananakit ba?
European Honey Bee – May sting (tinik) at kayang mangagat.

Stingless Bee – Wala silang sting pero nangangagat as defense mechanism. Kaya kailangan din magsuot ng proteksyon lalo na sa ulo at mata. Mas ligtas alagaan.

2. Gaano karami ang pulot (honey)?
European Honey Bee – Maraming pulot ang nagagawa, pwedeng kilos-kilo kada taon.

Stingless Bee – Kaunti lang ang pulot, pero mas puro at mas nakakaprevent ng karamdaman.

3. Anong klima ang gusto nila?

European Honey Bee – Mas gusto ang malamig na lugar, pero pwede rin sa mainit basta alagaan nang mabuti.

Stingless Bee – Sanay sa mainit na klima tulad sa Pilipinas. Mas madaling alagaan dito.

4. Hitsura ng bahay (pugad)

European Honey Bee – Maayos ang bahay, parang may mga hanay ng honeycomb.

Stingless Bee – Mas magulo ang pugad, parang may clay o putik, gawa sa wax at dagta.

5. Ugali

European Honey Bee – Medyo agresibo, pwedeng umatake.

Stingless Bee – Mabait at mahinahon, iiwas lang pag ginulo pero dedepensahan ang colony kung kinakailangan.

6. Ibang produkto

European Honey Bee – May propolis din pero kaunti lang.

Stingless Bee – Gumagawa ng maraming propolis, isang likas na gamot na anti-bacteria.

7. Pagkakaiba sa Hitsura

a. Laki

European honey bee – Mas malaki, mga 1.2 cm ang haba.

Stingless bee – Maliit lang, kadalasan 0.3–0.5 cm lang. Para silang maliliit na langgam o langaw.

b. Kulay

European honey bee – May dilaw at itim na guhit sa katawan. Classic "bee" look.

Stingless bee – Itim o maitim na kayumanggi ang kulay. Walang guhit, minsan parang makintab ang katawan.

10/04/2025

May Music Video rin tayo, "Bubuyog na Walang Kisot. :)
Free version pa lang tools pa natin. Upgrade ako kapag may good budget na. :)

May bumili po sa atin kahapon total of two boxes. Thank you po Sir. :) PM lang po sa interested.
10/04/2025

May bumili po sa atin kahapon total of two boxes. Thank you po Sir. :)

PM lang po sa interested.

10/04/2025

May dalawa po tayong available as of now. First come first serve basis po tayo.

10/04/2025

Ang Tetragonula biroi (lukot/kiwot) ay isang uri ng native stingless bee na matatagpuan sa mga tropikal na lugar, tulad ng Pilipinas. Kilala ito sa pagiging walang sting o hindi nangingisot, kaya't ligtas ito sa mga tao at hayop.

Kahalagahan nito:

1. Polinasyon: Ang Tetragonula biroi ay tumutulong sa polinasyon o pagpapakalat ng pollen mula sa isang halaman patungo sa iba, na nakakatulong sa pagpaparami ng mga prutas, gulay, at mga halaman. Sa madaling salita, sila ang nag-aalaga para maging masagana ang ani ng mga magsasaka.

2. Pagpapabuti ng Kalikasan: Dahil sa kanilang papel sa polinasyon, ang mga bees tulad ng Tetragonula biroi ay nakakatulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng ekosistema o kapaligiran, tulad ng pagtulong sa paglago ng mga halaman na mahalaga sa kalikasan.

3. Pangangalaga sa Pagkain: Ang mga stingless bees, kasama na ang Tetragonula biroi, ay tumutulong sa pagpapataas ng ani ng mga pananim, kaya mas marami tayong makukuhang pagkain mula sa mga halaman.

Sa madaling salita, ang Tetragonula biroi ay isang maliliit na insekto na may napalaking at napakabuting gampanin at epekto sa ating kalikasan at mga taniman at lubhang napakahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay.

Address

Barangay Calantipayan, Quezon
Lopez
4316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bili na ng Stingless Bees Quezon Province, may Free Online Konsulta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share