Alay at Gabay kay Juan Project

Alay at Gabay kay Juan Project ALAY at Gabay kay Juan is a joint project that aims to provide financial aid for students of LNCHS

Congratulations Azeneth! Your journey is just beginning, and this achievement is only the first of many. Here’s to a fut...
06/04/2026

Congratulations Azeneth! Your journey is just beginning, and this achievement is only the first of many. Here’s to a future filled with success.

ALAY at Gabay sa Pagtatapos ng Panuruang Taon 2025–2026Nagsagawa ng meeting at evaluation ang ALAY at Gabay Kay Juan Pro...
31/03/2026

ALAY at Gabay sa Pagtatapos ng Panuruang Taon 2025–2026

Nagsagawa ng meeting at evaluation ang ALAY at Gabay Kay Juan Project bilang bahagi ng pagpapatuloy ng suporta at paggabay sa mga iskolar sa nalalapit na pagtatapos ng panuruang taon.

Kasabay nito, isinagawa rin ang pamamahagi ng allowance para sa buwan ng Marso bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

Tulad ng saranggola, patuloy kayong tataas at magliliwanag.Congratulations, mga Iskolar nating Junior High School Comple...
26/03/2026

Tulad ng saranggola, patuloy kayong tataas at magliliwanag.
Congratulations, mga Iskolar nating Junior High School Completers! 🎓✨

Tingnan ang ilan sa mga larawang ipinadala ng ating mga iskolar na pinarangalan noong Recognition Day na ginanap nitong ...
26/03/2026

Tingnan ang ilan sa mga larawang ipinadala ng ating mga iskolar na pinarangalan noong Recognition Day na ginanap nitong Marso 25, 2026!

Congratulations!

Maraming Salamat, G8-Diamond Batch 2025-2026!Lumapit sa aming tanggapan ang Grade 8 – Diamond, sa pangunguna ng kanilang...
25/03/2026

Maraming Salamat, G8-Diamond Batch 2025-2026!

Lumapit sa aming tanggapan ang Grade 8 – Diamond, sa pangunguna ng kanilang PIO na si Caiomie Viviene Hidalgo, upang personal na iabot ang kanilang donasyon para sa ALAY at Gabay kay Juan Project.

Lubos ang aming pasasalamat sa inyong bukas-palad na puso at makabuluhang inisyatiba. Ang inyong simpleng pagbibigay ay malaking hakbang tungo sa pagtulong at pagbibigay pag-asa sa kapwa. Maraming salamat, Grade 8 – Diamond Batch 2025-2026! 💛

Maraming salamat sa inyong kabutihan, Coco Loco!Lumapit sa aming tanggapan ang grupo ng mga mag-aaral mula STEM–Ponce up...
27/02/2026

Maraming salamat sa inyong kabutihan, Coco Loco!

Lumapit sa aming tanggapan ang grupo ng mga mag-aaral mula STEM–Ponce upang personal na ibigay ang laman ng kanilang tip box mula sa kanilang Business Implementation sa asignaturang Entrepreneurship.

Lubos kaming nagagalak at nagpapasalamat na ang aming scholarship program ang inyong napiling tulungan. Ang inyong simpleng pagbabahagi ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng pangarap ng ating mga iskolar.

Maraming salamat muli sa Coco Loco, na binubuo nina Shaira E. Bitangga, Aljane R. Mercado, Gabby Barqueros, Leanna S. Radines, Euioa P. Tabien, Lance M. Pedrigal, Troy N. Maquiñana, Earlito R. Miranda, at Paulo L. Aureada, gayundin sa kanilang mga g**o at tagapayo.

ANO ANG MGA BAGAY NA IPINAGPAPASALAMAT MO NGAYONG TAON? 🥹Habang naghihintay ng pagkain, nagkaroon ng payak ngunit makahu...
17/12/2025

ANO ANG MGA BAGAY NA IPINAGPAPASALAMAT MO NGAYONG TAON? 🥹

Habang naghihintay ng pagkain, nagkaroon ng payak ngunit makahulugang pag-uusap ang mga iskolar at ang mga tagapamahala ng programa. Sa tanong na, “Ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo ngayong taon?” saglit na tumigil ang lahat—nagbalik-tanaw, nagmuni, at nagbahagi.

May mga pasasalamat para sa buhay, sa mga biyayang natamo, sa mga ugnayang tumibay, at sa mga panalanging unti-unting tinutupad. Ngunit higit sa lahat, nangingibabaw ang pasasalamat sa biyayang mapabilang sa programang ito. Sa gabay, pag-asa, at mga pagkakataong gaya nito na humuhubog hindi lamang sa pag-aaral, kundi sa pagkatao.

Pagdating ng pagkain, sama-sama naming pinagsaluhan ang munting biyaya.
Busog ang tiyan, at higit sa lahat, busog ang puso.

Maraming salamat po sa mga pagkakataong gaya nito!
🥹🫶

Pagbati ng Maligayang Pasko mula sa mga Iskolar!🎁🌟🎅Tumungo ang mga iskolar sa Values Department at sa tanggapan ng Punon...
17/12/2025

Pagbati ng Maligayang Pasko mula sa mga Iskolar!
🎁🌟🎅

Tumungo ang mga iskolar sa Values Department at sa tanggapan ng Punongg**o IV na si Sir Victor Emmanuel Maderazo upang magpaabot ng taos-pusong pagbati at magbigay ng munting Christmas Card na kanilang pinagtulungang gawin.
Ipinapakita nito ang kanilang taos na pagkilala at pasasalamat sa patuloy na suporta at paggabay na kanilang natatanggap mula sa mga sumusuporta sa kanila at sa programa.

Maraming salamat po!
Maligayang Pasko sa inyong lahat 😍

Pagbati, mga Iskolars! 🎉Matapos ang masusing pagsusuri ng lahat ng aplikante, opisyal nang kinilala ang labintatlong pil...
05/11/2025

Pagbati, mga Iskolars! 🎉

Matapos ang masusing pagsusuri ng lahat ng aplikante, opisyal nang kinilala ang labintatlong piling mag-aaral bilang mga iskolar ng ALAY at Gabay kay Juan Project.

Sila ay sasailalim sa patnubay ng programa sa buong taong panuruan 2025-2026.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang magsumikap at patuloy na linangin ang kakayahan tungo sa mabuting kinabukasan. 🌟

Pasasalamat rin ang aming ipinapaabot sa mga walang sawang sumusuporta sa aming programa. 🙌📚

50 KILOMETRO PARA KAY JUAN!Mahigit 50 kilometro ang tinahak, 11 barangay ang naabot, at 12 mag-aaral ang dinalaw bilang ...
22/09/2025

50 KILOMETRO PARA KAY JUAN!

Mahigit 50 kilometro ang tinahak, 11 barangay ang naabot, at 12 mag-aaral ang dinalaw bilang bahagi ng proseso ng aplikasyon ang isinagawang home visitation ng Gabay kay Juan noong Setyembre 21 sa pangunguna nina Ms. Stephanie D. Bitoin (ALAY Chairperson), Mr. Keven Niko S. Portades (Gabay Chairperson), at documenter na si Ezra Klarish A. Vito. Ang prosesong ito ay mahalaga upang matiyak na masusing nasusuri ang kalagayan ng mga scholarship applicant.

Photos by: Ezra Klarish A. Vito

GRABE! 50 kilometers of dedication para sa mga aplikante ng Gabay kay Juan Project.Every home visitation reminds us why ...
20/09/2025

GRABE! 50 kilometers of dedication para sa mga aplikante ng Gabay kay Juan Project.
Every home visitation reminds us why this mission matters. ❤️

Kasalukuyang isinasagawa ang Interview Process para sa mga piling aplikante ng Gabay kay Juan Scholarship Project para s...
12/09/2025

Kasalukuyang isinasagawa ang Interview Process para sa mga piling aplikante ng Gabay kay Juan Scholarship Project para sa SY 2025–2026. Mula sa mahigit 68 na aplikante, 22 ang nakapasa at tinatawag ngayon sa panayam. Layunin ng prosesong ito na makilala ang bawat bata nang mas malalim at matukoy ang kanilang tunay na kalagayan.

Address

Lopez National Comprehensive High School
Lopez
4316

Telephone

+639158685579

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alay at Gabay kay Juan Project posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Alay at Gabay kay Juan Project:

Share