27/04/2026
Still in awe of what God has done in our Youth Camp ๐๐ป๐ฅ
Hindi lang ito basta pagkakataon, kundi isang biyaya at paalala ng Kanyang katapatan at pag-ibig sa bawat isa sa atin. Sa bawat sandali, nakita natin kung paano Siya kumilos, nagbago ng mga puso, at muling naglapit sa Kanya.
Ang YWAP Llanera ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nagbigay ng financial support. Kayo po ang naging instrumento para makadalo ang mga bawat kabataan na may commitment sa gawain.
Sa ating mga leaders at workers, salamat sa walang sawang pag-aalay ng oras, lakas, at puso. Hindi naging madali, pero pinili ninyong maglingkod at magmahal. Ang bawat effort ninyo ay may katumbas na impact sa buhay ng bawat kabataan.
At sa ating mga delegates, salamat sa pagiging bukas, sa pagtanggap, at sa pagnanais na mas makilala ang Panginoon. ๐ซถ๐ป
Soli Deo Gloria