28/01/2026
Isang pasasalamat:
Lubos pong nagpa-pasalamat ang Rotary Club of Lipa sa mga dentistang kasapi ng Caring Hearts Dentistry Society ng British Columbia, Canada at sa Rotary Richmond Sunrise - Canada sa tatlong araw na dental mission.
Saludo po kami sa sama-samang pwersa ng Lipa Dental Chapter, Red Cross Lipa, Lipa Medix Nurses, KLL volunteers at sa lahat ng Barangay Health Workers ng Lipa sa pamumuno ni Doc Ariel Lescano na nag-alay ng oras at pagod upang mag-assist sa mga dentista at pasyente sa maayos na serbisyo.
Maraming maraming salamat po:
●Sa pagdalo ng ating butihing Mayor Eric Africa at pagbibigay ng libreng pag-gamit sa napakalamig at napakalaking Lipa Convention Center (dating LASCA).
●Saganang pagkain mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry- Lipa members, mula umaga hanggang hapon.
●Sa ating PNP Lipa Station Chief Aleli Buaquen at Fernando Airbase reservists sa pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa loob ng LASCA, isang pagpupugay po sa inyo serbisyo publiko.
●Sa apat na araw na matiwasay na pagtulog 36 na dentista at volunteers sa Three Peaks Resorts.
Sa opisyal na talaan ang ating libreng Bunot, Pasta at Linis ay umabot po ng 2,211 na dental services (halimbawa isang pasyente ngunit 3-pasta) mula sa 1,608 na pasyente na nakatipid ng mahigit 3-milyong piso.
Sa kakulangan ng oras at pagod ng mga dentista ay kina-kailangan putulin kada araw ang bilang ng mga pasyente, humihingi po kami ng inyong lubos na pang-unawa.
Salamat po sa Diyos at tayo pong lahat ay nagkasama-sama, hanggang sa susunod po ng kabayanihan at pagmamahalan sa isa't-isa.