Lingkod Lasalyano

Lingkod Lasalyano Ipagpatuloy natin ang adhikaing makapaglingkod sa ating kapwa at sa bayan! 🇵🇭

De La Salle Lipa - Lingkod Lasalyano

Mobile: 0906 945 6884
Email Address: [email protected]

Sign up Sheet: https://docs.google.com/forms/d/1kvW8sSk3jOd79XnT7H2EuKJfcPK9iE

ELLA-minate muna ang stress dahil birthday ni Ms. Ella ngayon! ✨Maligayang kaarawan sa ating masayahin, mabait, at lagin...
18/08/2026

ELLA-minate muna ang stress dahil birthday ni Ms. Ella ngayon! ✨

Maligayang kaarawan sa ating masayahin, mabait, at laging handang makinig na NSTP Faculty, Ms. Ella!

Maraming salamat po sa inyong positivity at sa paraan ninyo ng pagpaparamdam na mas magaan at enjoyable ang aming NSTP experience. Higit pa sa inyong role sa NSTP, ramdam po namin ang inyong warmth, humor, at genuine care sa mga estudyante. Malaking bagay po ang inyong presence at support sa aming mga Lasalyano.

Sa espesyal na araw na ito, nais namin kayong pasalamatan sa lahat ng inyong ginagawa para sa aming mga estudyante at sa buong Lasallian community. Nawa’y maging kasing saya at gaan ng mga saya at positibong energy na ibinabahagi ninyo sa iba ang araw na ito.

Nawa’y matupad ang lahat ng inyong mga hiling, pangarap, at dasal, Ms. Ella! Karapat-dapat po kayo sa lahat ng kaligayahan at biyayang darating. Patuloy po kayong maging inspirasyon at source of good vibes sa mga taong nakapaligid sa inyo!

Maligayang kaarawan po sa inyo, Ms. Ella! 💚



Walang maliit na pagtulong kapag ito’y nagmumula sa pusong handang maglingkod 💚Ngayong taon, binuksan ng Lingkod Lasalya...
14/08/2026

Walang maliit na pagtulong kapag ito’y nagmumula sa pusong handang maglingkod 💚

Ngayong taon, binuksan ng Lingkod Lasalyano ang bagong kabanata habang mainit na tinanggap ang mga bagong kasama at pinagtibay ang panibagong simula.

Ang General Assembly ay nagsama ng mga masigasig na student leaders at volunteers na puno ng sigla, makabuluhang ugnayan, at taos-pusong pakikilahok. Sa paglalakbay na ito, nananatiling matibay ang Lingkod Lasalyano sa layunin nitong maghatid ng pagbabago. Sa pagkakaisa ng puso at adhikain, patuloy nating dadalhin ang alab ng dedikasyon at paglilingkod.

Taos-pusong pasasalamat sa inyong pagyakap sa diwa ng paglilingkod para sa kapwa at sa bayan 🫂

🎨 Layout by: Ysabelle Magtibay
🖌️ Caption by: Angel Villapando



Ready na ba kayong simulan ang inyong journey sa paglilingkod? 💚Huwag palampasin ang ating General Assembly bukas! Halin...
12/08/2026

Ready na ba kayong simulan ang inyong journey sa paglilingkod? 💚

Huwag palampasin ang ating General Assembly bukas! Halina't kilalanin ang organisasyon, ang mga programang inihanda para sa buong taon, at ang iba't ibang pagkakataong makiisa sa ating mga serbisyo at outreach initiatives. Makisaya sa mga interactive games, kilalanin ang mga kapwa Ka-Lingkod, at alamin kung paano ka maaaring maging bahagi ng mga makabuluhang gawaing magbibigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

🗓️ Agosto 13, 2026 (Huwebes)
🕙 2:30 PM – 5:00 PM
📍 Retreat Complex - Cabana 2

📌 Mag-register sa: https://forms.gle/pndeip8BpCVg7XtY8

May lugar para sa’yo sa paglilingkod. Kita kits bukas!

🎨 Layout by: Ysabelle Magtibay
🖌️ Caption by: Ivy Tobeci, Sophia Agcaoili



11/08/2026
Bawat paglalakbay ay may simula. At ngayong taon, inaanyayahan ka naming samahan kami sa pagsisimula ng isang paglalakba...
08/08/2026

Bawat paglalakbay ay may simula. At ngayong taon, inaanyayahan ka naming samahan kami sa pagsisimula ng isang paglalakbay tungo sa paglilingkod!

Maging bahagi ng ating General Assembly at kilalanin ang organisasyon, ang mga programang inihanda para sa buong taon, at ang iba't ibang pagkakataong makiisa sa ating mga serbisyo at outreach initiatives. Makisaya sa mga interactive games, kilalanin ang mga kapwa Ka-Lingkod, at alamin kung paano ka maaaring maging bahagi ng mga makabuluhang gawaing magbibigay ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

🗓️ Agosto 13, 2026 (Huwebes)
🕙 2:30 PM – 5:00 PM
📍 TBA
📌 Mag-register sa: https://forms.gle/pndeip8BpCVg7XtY8

Ito ang unang hakbang sa isang makabuluhang paglalakbay at mas magiging makahulugan ito kung kasama ka. Kita kits!

🎨 Layout by: Ysabelle Magtibay
🖌️ Caption by: Ivy Tobeci



04/08/2026
03/08/2026
Day 1 to 2 ng Enlistment Week ⚡️Noong Hulyo 28–29, opisyal nang nagsimula ang E-Quest: Prophecy Foretold, Let the Odysse...
30/07/2026

Day 1 to 2 ng Enlistment Week ⚡️

Noong Hulyo 28–29, opisyal nang nagsimula ang E-Quest: Prophecy Foretold, Let the Odyssey Unfold! Puno ng saya, sigla, at hindi malilimutang karanasan ang unang dalawang araw ng enlistment habang hinaharap ng mga kalahok ang iba’t ibang hamon at bagong oportunidad.

Maraming salamat sa lahat ng dumaan sa Lingkod Lasalyano Booth upang makisaya sa aming mga laro at mag-enlist! Dito nagsisimula ang paglalakbay tungo sa makabuluhang paglilingkod sa kapwa.

Hindi ka pa ba nakakapunta sa aming booth?

Halina’t bisitahin kami sa CBEAM Grounds! Subukan nating ilabas ang inner Hercules niyo sa masasayang games, exciting prizes, at activities na siguradong mae-enjoy niyo! 🤩

Tulad ni Hercules na laging matatag, matulungin, at nagbibigay-inspirasyon, tara na at sama-sama tayong mag-lingkod! 💚

📍 Lingkod Lasalyano Booth @ CBEAM Grounds

Kita-kits sa booth! ⚡️

🎨 Layout by: Heleina Ferriol
🖌️ Caption by: Angel Villapando and Sophia Agcaoili




Ang pagbabago ay nagsisimula sa isang pusong handang maglingkod! 💚Hindi mo kailangang maghintay ng tamang panahon upang ...
30/07/2026

Ang pagbabago ay nagsisimula sa isang pusong handang maglingkod! 💚

Hindi mo kailangang maghintay ng tamang panahon upang maglingkod—ikaw mismo ang maaaring maging simula ng makabuluhang pagbabago.

Tayo ay may kakayahan upang maging daan ng pag-asa. Sa bawat proyektong ating isusulong at sa bawat komunindad na ating maaabot, sama-sama nating patunayan na ang paglilingkod ay hindi lamang isang tungkulin—ito ay isang layunin.

Kung nasa puso mo ang paglilingkod, bukas ang aming mga pintuan para sayo! Halina’t makiisa sa Lingkod Lasalyano at sama-sama nating ipagpatuloy ang adhikaing makapaglingkod para sa kapwa at bayan! 🇵🇭

Enlistment Form: https://forms.gle/cCm5hNj11HDwNKkD6

🎨 Layout by: Heleina Ferriol and Patricia Yago
🖌️ Caption by: Sophia Agcaoili




29/07/2026

Address

De La Salle Lipa
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingkod Lasalyano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share