12/03/2025
βMapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos; mapalad ang bayang Kanyang ibinukod.β βMga Awit 33:12
Sama-sama tayong magpakumbaba sa Diyos at ipanalangin ang ating bayan sa sandaling ito:
Panginoon, lumalapit po kami sa Inyo at nagpapakumbaba. Dalangin po namin ang Inyong habag at biyaya sa mga oras na ito. Humihingi po kami ng kapatawaran sa aming mga kasalananβnasabi man o naisip laban sa aming mga kapwa at laban po sa Inyo. Tulungan Ninyo po kaming laging tumingin kay Jesu-Kristo at sa pag-ibig Mo sa sanlibutan. Kaawaan Ninyo po ang bawat isa sa amin at balutin po ng Inyong banal na dugo ang aming bansa. Iligtas Ninyo po kami sa anumang kasinungalingan o banta ng kaaway. Sa Inyo po kami umaasa. Sa Pangalan ni Jesus. Amen.