SAKSI

SAKSI Samahan ng Aktibong Kabataang Sumusulong sa Integridad

Bilang pagtatapos ng Flores de Mayo 2025, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakisaya, at tumulong ...
02/06/2025

Bilang pagtatapos ng Flores de Mayo 2025, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakisaya, at tumulong sa paghahanda ng makabuluhang pagdiriwang na ito.

Maraming salamat din po sa mga bukas-palad na nagbigay ng donasyon—malaki man o maliit, ang inyong tulong ay naging susi sa tagumpay ng ating selebrasyon.

Nawa'y patuloy tayong pagpalain at pag-ibayuhin ang ating pagkakaisa bilang isang komunidad.💐✨

Sa bawat talulot ng bulaklakSa bawat samyo nito at halimuyakPapuri ka’y Maria at sa kanyang butihing anakPalaging saklol...
02/06/2025

Sa bawat talulot ng bulaklak
Sa bawat samyo nito at halimuyak
Papuri ka’y Maria at sa kanyang butihing anak
Palaging saklolo, sa mga panahong sadlak

Ngayon, sa pagtatapos ng Flores de Mayo, hindi tayo nagpapaalam bagkus tayo ay magpapatuloy. Patuloy sa pananalig, patuloy sa pag-asa, patuloy sa pag aalay ng kabutihan sa kapwa at papuri sa Mahal na Birheng Maria.

At ngayong pagtatapos ng buwan ng kabanalan . Ito ay hindi pamamaalam, isa itong pagyakap. Pagyakap sa bawat batang gabi gabing may bulaklak na alay. Sa pagsuporta ng mga nanay at tatay at sa pagbibigay oras, pagpupuri at pagsasabuhay.

Ngayong pinipinid na natin ang kabanata ng Mayong sinimulan
Dalhin nawa natin ang liwanag ng mga kandilang sinindihan
Ang init ng pagkakaisa at pagmamahalan
Itanim nawa ang halimuyak ng aral sa pusong sisidlan.

TAPUSAN 2025💗

Address

Sitio Aromahan, Purok 1-A, Brgy. Sto. Toribio
Lipa City
4217

Telephone

+639261368631

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAKSI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SAKSI:

Share