09/08/2026
PAMPUBLIKONG ANUNSIYO
Ang Lipa City Sports Academy ay taos-pusong naghihikayat sa lahat ng mga magulang, guardians, alumni, at iba pang stakeholders na makiisa sa Programang Brigada Eskwela 365 na gaganapin sa ika-10 ng Agosto 2026 (Lunes), ganap na ika-7:00 ng umaga, upang magsagawa ng paglilinis at pagsasaayos ng paaralan na naapektuhan ng kamakailang pagbaha.
Hinihiling din po namin sa lahat ng makikibahagi na magdala ng mga kagamitang panlinis tulad ng basahan, walis tambo, walis tingting, timba, mop, floor wiper, brush, dustpan, garbage bags, at iba pang cleaning materials na makatutulong sa mas mabilis at mas maayos na paglilinis ng ating paaralan.
Ang inyong oras, lakas, at anumang maiaambag ay malaking tulong upang maihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa face-to-face classes.
Samantala, habang isinasagawa ang rehabilitasyon at paglilinis ng paaralan, ang mga klase ay pansamantalang isasagawa sa pamamagitan ng Alternative Delivery Modality of Learning (ADM) hanggang sa matiyak na ligtas at angkop na muli ang kapaligiran para sa harapang pagkatuto.
Inaanyayahan namin ang bawat isa na makiisa at magtulungan upang maibalik ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating paaralan. Ang inyong pakikilahok ay isang mahalagang ambag sa paglikha ng isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Sama-sama nating maipapakita na sa pagkakaisa, mas mabilis nating maibabangon at maihahanda ang ating paaralan para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.