15/10/2026
📢 ANNOUNCEMENT LIPEÑOS !!
GOV. VILMA SANTOS-RECTO EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM 🎓❤️💙
Magandang balita para sa mga bagong aplikante na Senior High School at College Students ng Lipa City!
Bukas na ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Educational Assistance Program ni Governor Vilma Santos-Recto, bilang patuloy na suporta sa edukasyon at magandang kinabukasan ng ating mga kabataang Lipeño.
📅 Oktubre 19, 2026 (ONE-DAY ONLY)
⏰ 10:00 AM – 5:00 PM
📍 Claro M. Recto Event Center
📌 MAHALAGANG PAALALA:
Ang pagpapasa ng kumpletong requirements ay HINDI nangangahulugan ng awtomatikong pagkakatanggap o garantisadong educational assistance. Ang lahat ng isusumiteng dokumento ay daraan pa sa evaluation at verification upang matukoy kung ang aplikante ay kwalipikado sa programa.
✅ Siguraduhing kumpleto ang mga dokumentong nakasaad sa announcement.
✅ Hindi tatanggapin ang incomplete requirements.
✅ Hindi dapat tumatanggap ng ibang scholarship ang aplikante.
✅ Limited slots lamang.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon at karagdagang suporta ang mga kwalipikadong mag-aaral na nangangailangan ng tulong sa kanilang pag-aaral.
Sa pamumuno ni Governor Vilma Santos-Recto, patuloy ang malasakit at pagsuporta sa edukasyon ng kabataang Batangueño! ❤️💙
TALINO AT PUSO, PARA SA KINABUKASAN NG KABATAAN!
Facts you need to know para sa new applicant application for educational assistance ni Gov VI
1. pwede po na pumapasok sa any private and public school ang bata both senior high and college
2. pwede din po na outside lipa ang school basta lipenyo student
3. bawal na po magpasa ang mga bata na may scholarship grant na sa ibang govt agency gaya ng sa BOKAL, MAYOR, CHED
4. hindi guaranteed na scholar once magpasa, ieevaluate pa po ang documents nila..