25/02/2026
Ang tao ay HINDI pag-aari ng anumang titulo, papel, o dokumento.
WALANG selyo ng gobyerno, WALANG pirma ng opisyal, at WALANG rehistro ang maaaring BUMALOT o MAGKULONG sa isang soberanong nilalang.
Sapagkat bago pa man isinulat ang mga batas ng tao, umiiral na ang likas at banal na karapatan na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal at ng kalikasan mismo.
Tayo ay isinilang na malaya 🙌
Ang ating pag-iral ay HINDI nagmumula sa papel kundi sa dugo, sa lahing pinanggalingan, sa lupang kinagisnan, at sa ugnayang espiritwal natin sa kalikasan. Ito ang ating inherenteng karapatan: ang mamahala sa sarili, ang magpasya para sa sariling kapakanan, at ang mamuhay nang may dangal nang HINDI kinakadena ng artipisyal na konstruksyon ng kapangyarihan.
Sa ilalim ng Banal na Batas (Divine Law), ang tao ay may sagradong dignidad na hindi maaaring bawasan o ipawalang-bisa ng sinumang awtoridad.
Sa ilalim ng Likas na Batas (Natural Law), ang kalayaan at katarungan ay hindi pribilehiyo kundi likás na pag-aari ng bawat nilalang.
At sa ilalim ng Kaugalian at Katutubong Batas (Customary Law), kinikilala ang ugnayan ng dugo at lupa, ang ating pagkakakilanlan na hindi kayang burahin ng anumang sistemang ipinataw lamang.
Ang soberanya ay hindi ibinibigay; ito ay KINIKILALA.
Hindi ito hinihingi; ito ay LIKAS na TAGLAY.
Kaya tandaan natin mga kapatid na WALANG dokumento ang makapagtatakda ng halaga ng ating pagkatao.
WALANG titulo ang makasusukat sa iyong kalayaan.
TAYO ay isang malayang nilalang, may karapatang mamahala sa sarili, may dugong pinagmulan, at may lupang kinauukulan, na saklaw ng banal, likas, at kaugalian na batas na higit pa sa anumang papel na gawa ng tao 🙌☝️✨
Pls learn 😉
Tribong Tao
Samahan ng Katutubong Mamamahayag sa Pilipinas
Una, Maharlika
Gising Maharlika
DIWA Movement
Pinagkaisang Tribu sa Pilipinas
Maharaani Sona Shiloh
Maharani Kuligay
Maharajah Yahqub Llyrad
Maharajah Isa